WOW

Sunday, November 16, 2014

ISANG DOLPHIN NAKITANG PAANOD ANOD SA KARAGATAN NG BARCELONA

Agad na inilibing ng mga barangay official ang natagpuang dolphin kahapong ng mga dakong 5:30 ng umaga sa bayan ng Barcelona./ 

Ayon kay Brgy. Captain Edwin Galdo, nadiskobre ng mangingisdang kinilalang si Davidson Fontilar ang naturang lamang dagat na paanod-anod sa karagatan na malapit sa baybayin ng brgy. Layog sa nasabing bayan ng wala ng buhay./ 

Tinatayang nasa 6 feet ang haba nito at may bigat na 225 lbs. / Dinagdag pa ni Kapitan Galdo, may apat na sugat ito kanyang katawan na pinaghihinalaang tama ng bala at maaring ito ang naging sahi ng pagkamatay nito./ 

Ayon sa kanilang talaan ito na ang ikatlong beses na may napadpad na dolphin sa nasambit ng barangay./ Samantala, kumuha naman ng sample sa tissue ng nasabing ang mga personnel ng Bureau of Fishiries and Aquatic Resources upang mapag aralan kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay nito.//

No comments:

Post a Comment