WOW

Monday, November 17, 2014

PAGKAMATAY NG SUNDALO SA BARCELONA INAKO NA NG BHB-CMC

Inako nang Bagong hukbong Bayan/ Celso Minguez Command o BHB-CMC ang pagkakapaslang sa isang myembro ng Phil Army sa Barcelona./ sa pinalabas na pahayag ng BHB-CMC sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Ka Samuel Guerrero, Hinarang at pinatigil ng NPA ang pampasaherong traysikel na sinasakyan ng dalawang sundalo para kumpiskahin ang kanilang maiiksing baril./  

Dinagdag pa ni Guerrero na Tumalon mula sa sasakyan at bumunot ng baril ang isang sundalo kaya naobliga ang mga Pulang mandirigma na putukan at mapatay ang biktimang si Corporal Zaldy Bengua./ 

Matatandaan na Ang dalawang sundalo ay kabilang sa tinaguriang Peace and Development Team (PDT) na nakahimpil sa sentro ng naturang barangay mula pa noong Oktubre 22. /

Samantala, ang mga hakbang na ito ng NPA ay tugon umano nila sa mga reklamo ng taumbaryo laban sa mga sundalo na anyay inirereklamo ng mga tao ang may tatlong linggo nang pag-okupa ng mga tropang militar sabarangay hall, daycare center at health center hindi lamang sa San Antonio kundi gayundin sa mga baryo ng Togawe, Benguet, Villareal at Tabi sa bayan ng Gubat, Sorsogon.//


No comments:

Post a Comment