WOW

Monday, November 24, 2014

PUBLIC HEARING PARA SAGIPIN ANG SORSOGON BAY, NAGING MATAGUMPAY

Umabot sa humigit kumulang sa isang daan katao ang nakiisa sa isinagawang public hearing na may kinalaman sa pag preserba ng Sorsogon Bay kahapon./ 

Kabilang sa mga dumalo ang mga representante ng kada baranggay sa lalawigan na nasa mga coastal areas, mga representative ng mga kumpanyang may malaking epekto sa kapaligiran, mga brgy officials, at ang Environment Management Bureau na pinapangunahan ni Engr.Roberto Cheen na siyang Regional Manager nito./

Ikinasa ang nasabing public hearing kaugnay ng palala ng palalang sitwasyon ng karagatan ng Sorsogon./ Ayon kay Engr cheen kung hindi ito maaagapan, maaring dumating ang panahon na hindi na mapaliguan ang sorsogon bay./ 

Todo suporta naman ang lahat ng mga nagsidalo sa nasabing pagdinig upang maagapan ang patuloy na paglala ng kalagayan ng karagatanng Sorsogon./ Samantala, may magandang balita si Engr. Cheen dahilan sa hanggang sa ngayon ay ligtas parinnamang maligo sa lahat ng lugar ng Sorsogon bay.//

No comments:

Post a Comment