Ipinagkaloob
na sa Lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Sorsogon ang isang instrument na
nagkakahalaga sa sampong milyon piso./ Kaugnay nito Nagkaroon ng moa signing ng
open path differential optical absorption spectroscopy (doas) installation sa
sorsogon provincial gymnasium nito lamang nobyembre 24, 2014./
Sinaksihan nina
City Mayor Sally A. Lee, EMB o Environmental Regional Director Roberto D. Shee
ang nasabing MOA Signing kung saan todo suporta naman sa naturang okasyon ang
mga municipal mayors./
Dumating din si Rr. Roque Carranza ang Asst. Provincial
Admin bilang kinatawan ni Governor Raul R. Lee./ Kasama rin sa mga dumating ang
mga fisherfolks organizations, mga empleyado ng city hall at marami pang iba./
Ang
(doas) ay isang matatag na instrumentong pinakamadalas gamitin sa ngayon upang
masukat ang mga samot saring reactive gases sa ating himpapawid/ magiging
malaking tulong ang nasabing instrumento sa pagtuklas ng pisikal at kemikal na
kalagayan ng syudad ng sorsogon pagdating sa air pollution./
Ayon kay Dr. Sheen
napakaswerte ng sorsogon city dahilan sa isa ito sa nabibiyayaan ng nasabing instrument
na ilalagay within the city complex/
Samantala, laking tuwa naman ni city mayor
sally a lee, sa magandang balita sapagkat ito ay isang bunga ng kanyang
paghihirap sa paghahanap ng mga ahensya na magiging katuwang sa mga programa ng
syudad kung saan malaking tulong ito sa clean and green advocacy ng syudad na
may temang “mauswag na ciudad, malinig na lugar” //
No comments:
Post a Comment