Nasa
kustudiya na sa ngayon ng CIDG- Criminal Investigation and Detection
Group Sorsogon ang limang suspetsado na mga
nagpapakilalang myembo ng international police o Interpol./
Kinilala ang mga
suspetsado na sina Raymond Jalmansar ng Brgy. Macabog, Salvador Demdam Deterio at
Elen Berenger ng Bincahan, Santos Jarlego
ng San Isidro Castilla Sorsogon at Conrad Villagomes ng Buhatan./
Sa panayam ng
Barkadahan kay PCI Major Errol Garchetorena, mga bogus ang nasabing grupo na
nagangakong mabigyan ng magagandang benepisyo ang kanilang mga recruit at
hinihingian pa ito ng P44,500./
Dinagdag pa ni Garchetona na wala namang
naipakitang mga legal documents ang naturang mga suspek./ Ayon pa kay
Garchetorena ang mga totoong myembro ng Interpol ay dapat dadaan pa sa Phil
National Police o PNP./
Samantala, narecover sa mga suspetsado ang mga Interpol
ID, dalawang 9mm at isang caliber pistol, hanggat wala itong naipapakitang mga
legal documents ay ipagpapatuloy nila ang naturang kaso kasama na ang
usurfation of authority.//
No comments:
Post a Comment