WOW

Wednesday, November 26, 2014

ISANG LALAKI NA NAMAN PINASLANG SA BAYAN NG IROSIN

Utas sa tama ng bala habang naglilinis ng kanyang bahay ang biktimang kinilalang si Allan Bando 39yo ng mga dakong ala una y medya ng hapon kahapon./ 

Ayon kay SPO1 Alberto Balbedina na siyang chief invistigator ng naturang kaso inireport sa kanilang himpilan ni Brgy Tinampo Brgy. Captain Maria Reyes ang naturang pamamaslang./ 

Matatandaan na noong nakaraang martes lang isang Alvin balagot ang binaril at napatay din sa natura ding baranggay, at makalipas ang halos wala pang 24 oras isang pamamaslang na naman ang nairehistro./ 

Kaugnay nito, nagpalabas na nag derektiba si PNP Provincial Director Bernard Banac na paigtingin ang nasabing pag iimbistiga dahilan sa nakakabahala na umano ang nasabing pangyayari./ 

Samantala patuloy paring iniimbistigahan kung magkaugnay ang dalawang naturang pamamaril.//

No comments:

Post a Comment