WOW

Wednesday, November 26, 2014

SORSOGON CITY POLICE ASSISTANCE DESK HINARAS KAGABI

Isang panghaharas o pananakot ang naitala kagabi sa Sorsogon City Police Assistance Desk matapos itong paputukan ng hanggang sa ngayon ay hindi paring makilalang mga kalalakihan./ 

Ayon kay PSI Trillanes mga dakong 10:20pm ng gabi ng biglang may narinig na pagsabog sa may junction road na na may distansyang humigit kumulang sa 100 metro na sinundan naman ng sunod sunod na putok./ 

Kaugnay nito agad na nag responde ang mga otoridad at naabutan pa nila ang mga kalalakihan na hindi nila na determina ang bilang dahilan sa may kadiliman./ 

Samantala, hanggang sa ngayon patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng nasabing pananakot at inaalam pa kung anong klaseng mga baril ang ginamit sa panghaharas, maswerte naming walang nasaktan sa naturang pananakot kagabi.// 

No comments:

Post a Comment