WOW

Monday, November 24, 2014

NAPASLANG NA MYEMBRO NG PHIL AIRFORCE SA IROSIN KINILALA NA

Positibong kinilala ni SPO1 Balbedina ng Irosin Municipal Police Station ang isang kaso na naman ng pamamaril na ngyari sa bayan ng Irosin kahapon./ 

Sa inisyal na imbistigasyon ng Irosin MPS myembro umano ng Phil Airforce ang biktimang kinilalang si Alvin Balagot, 27yo at nakatira sa brgy. Tinampo, Irosin Sorsogon./ 

Ayon kay SPO1 Abelardo Balbedina ng ng Irosin MPS limang tao ang tumambang sa may mismong bahay nito sa tinampo kahapon ng mga dakong alas dyes ng umaga./ 

Sa ngayon nakalagak ang nasabing bangkay sa isang Funeral Homes sa naturang bayan./ 

Samantala, patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad sa irosin ang naturang kaso at patuloy paring nakakatakas ang mga Kriminal.//

No comments:

Post a Comment