Mawawalan na
ng matitirahan ang mahigit sa 30 pamilya na mga nakatira sa barangay Zone 7-B
sa bayan ng bulan matapos payagan ng korte ang tunay na may ari nito na si
dating bulan Vice Mayor Toby Gonzales na bawiin ang kanilang lupa./
Ayon sa
report na nakuha ng wow smile radio news desk, nagsampa ng reklamo si Gonzales
sa husgado para paalisin ang mga informal settlers sa naturang lugar dahilan sa
kailangan na umano ng kanyang pamilya ang nabanggit na lote./
Kaugnay nito nagngingitngit
sa ngayon ang mga apektadong pamilya dahilan sa bukas na petsa onse ng nobyembre
ang nakatakdang araw para sa isasagawang demolisyon./
Daing ng apektadong
pamilya na sana mabigyan sila ng maayos na relocation site bago sila paalisain./
sa kabilang dako aminado si Atty. Richard Manila, Monitoring and Adjudication
Head kan Housing and Land Use Regalatory Board - Bicol na hindi umano mapipilit
ng mga informal settlers si Gonzales sa kanilang kagustuhan ma nabigyan sila ng
relokasyon dahilan sa mas pinaboran ng korte ang may ari nito./
Samantala, ayon
sa nakapalaman sa Article 7 ng Rep. Act 7279. Ang local na pamahalaan sa
pamamagitan ng administrayon ni Mayor MBR ay dapat na maghanap ng relocation
site ng mga ito.//
No comments:
Post a Comment