WOW

Tuesday, November 25, 2014

MAGSASAKA SA BAYAN NG BULAN PATAY MATAPOS PAGBABARILIN SA KANILANG SARILING PAMAMAHAY

Patay ang isang magsasaka sa bayan ng Bulan matapos itong tambangan ng mga armadong suspetsado noong nakaraang araw. / 

Kinilala ang biktima na si Ranilo Bañares Penos, 44-anyos na nakatira sa Sitio Inalapan, Brgy. Gerona, Bulan Sorsogon. / 

Ayon sa Bulan Municipal Police Station habang nagbabantay ng tindahan ang biktima ng may tatlong kalalakihan ang bumili at pagkatapos agad na pinaputukan ng malapitan ang biktima./ 

Pitong bala ang pina alpasan ng mga criminal at ang dalawa rito ang umutas kay penos./ Agad naman itong naitakbo sa ospital ang biktima subalit idiniklara itong dead on arrival. / 

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang  imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./ Samantala nadaplisan naman ng ligaw na bala ang kasalukuyan noong dumadaan na dalagitang kinilala lamang sa pangalang jesami sa kanyang tiyan.//

No comments:

Post a Comment