WOW

Thursday, March 26, 2015

SORSOGON MAY BAGONG APAT NA ABOGADO

Apat na sorsoganon ang muling nagbigay ng karangalan sa lalawigan matapos itong makapasa sa 2014 Bar Examination./ Sa nakalap na impormasyon ng wow smile radio ang mga pumasa ay sina Merl Gratela, Maricel Olbes, Moiselle Magdamit at Michael Vincent Galarosa. / Matatandaan na nasa 6,370 ang kabuuang bilang ng mga examinees at 1,126 lamang dito ang pumasa./ Maswerteng naming napabilang dito ang apat na taga sorsogon./ Sa kabilang dako nagpaabot naman ng pagbati ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), Sorsogon Chapter sa pamamagitan ni President, Atty. Adrian B. Alegre./ Samantala isa na naman itong karangalan sa probinsya ng sorsogon na dinala ng mga nasabing mga persona dahil sa pangalan ng probinsyang kanilang dala-dala.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

BUDOL-BUDOL GANG MULING UMATAKE SA LALAWIGAN

Muli na namang umatake ang tinaguriang budol-budol gang sa probinsya, kung saan isang ginang ang sinalakay ng mga ito./ Sa naging panayam ng Wow patroller sa biktima na nagpatawag lang sa pangalang Aling Josie modus umano ng nasabing grupo ang lituhin ang kanilang bibiktimahin kagaya ng nangyare sa naturang ginang./ Sa salaysay ni Aling Josie, bumili umano ang isang suspek ng maiinom na softdrinks kung saan isang libo ang dala nitong pera, agad naman umano itong sinuklian ng biktima kung pinaharurot na nito ang kanyang motorsiklo at agad na umalis./ Subalit ang kanya umanong ipinagtaka dahilan sa agad din itong bumalik at isinauli ang biniling softdrinks./ kaya ibinalik ng ginang ang isang libo, at sa halip na ibalik ang sukli pinaharurot na nito ang maotorsiklo tangay ang isang libo at ang sukli./ sa kabilang dako sinubukang habulin ng biktima ang suspek subalit hindi na ito inabutan pa dahil sa sobrang bilis nito./ Samantala pinag-iingat ngayon ang publiko sa modus ng nasabing grupo lalo na at papasok na ang semana santa kung saan maraming turista ang darayo sa probinsya upang magbakasyon ngayong panahon ng kwaresma.// log on to " https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

DOH AT PHO-SORSOGON NAGBIGAY NG BABALA TUNGKOL SA MGA SAKIT NA DALA NG SUMMER SEASON

Maaari umanong magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ang papalapit na summer season sa probinsya, ito ang ipinahayag ng Dept. of Health Bicol./ Ayon kay DOH Bicol Health Promotions Unit head Noemi Bron, maraming sakit ang maaaring lumitaw ngayong summer dahilan sa mainit na kondisyon ng panahon./ Kasama na umano dito ang sunburn, heat stroke, bungang araw, sore eyes, pigsa, high blood, influenza at marami pang iba./ Kaya naman nagbigay ito ng babala sa mga taga sorsogon na maghanda at maging maingat./ Pinagiingat din ni Bron ang publiko sa mga pagkain lalo na ang mga street foods dahilan sa mabilis mapanis ang mga pagkain kapag sobrang mainit ang temperatura na maaring mag resulta sa food poisoning./ Samantala, Inabisuhan din ng opisyal ang mga taga lungsod umiwas sa direktang pagpapatama sa sikat ng araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon./ Dinagdag pa ni Bron na mas mainam kung palagiang uminom ng sapat na tubig na hindi bababa sa sampung baso kada araw, dahilan sa ang palagiang pag inum ng tubig at pagkakaroon ng healthy lifestyle ang susi para makaiwas sa mga matitinding sakit.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

MERS-COV VIRUS, KUMPIRMADONG HINDI PA NAKAKAPASOK SA SORSOGON-DR. GARCIA

Walang dapat na ipangamba ang mga sorsoganon tungkol sa kumakalat na balita na diumanoy nakapasok na sa sorsogonang mers-cov virus./ Matatandaan na biglang kumalat at naging viral sa internet ang pagkakaroon ng lagnat ng isang OFW na galing pa sa bansang Oman, kung saan agad itong pinag hinalaang may mers-cov./ Kaugnay nito agad itong pinasuri at lumabas sa resulta na negatibo ito sa mers-cov./ Ayon kay kay Dr Edgar Garcia, Provincial Health Officer II ng lalawigan ng Sorsogon, na discharge na umano ang nasabing pasyente na una ng ni refer sa Bicol Medical Center para sa obserbasyon./ Dinagdag pa ni Dr. Garcia na kaya ito pinag hinalaan dahilan sa ang lagnat na naranasan nito at iba pang sintomas ay kagaya ng sa MERS COV lalo na kagagaling lang nito sa gitnang silangan kung saan laganap ang mers-cov./ Samantala, ang ganitong reaksyon ng PHO ay ikinatuwa naman ng mga sorsoganon dahilan sa nagpapakita lang ito na preparado ang PHO upang malabanan ang nakamamatay na virus.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

Wednesday, March 25, 2015

Ang www.wowsorsogon.blogspot.com ay mapapakinggan narin sa mga android at windows phone... itype lang sa browser ang aming website at i-on ang view web browser sa ibabang bahagi ng page... mapapakinggan nyo na po kami via phone basta may net access po kayo... try na.... log on : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

LALAKING PINAULANAN NG BALA KAGABI, RESIDENTE NG BULUSAN

Kinilala na ang lalaking niratrat kagabi ng humigit kunulang sa dalawampong bala ng baril./ Matatandaan na naging misteryoso sa mga otoridad ang katauhan ng nasabing biktima dahilan sa walang anumang Identification na mapagkakilanlan sa katawan nito./ Sa pinakahuling imbistigasyon, nakilala ang biktimang si Leo Escota Fullon, 29 anyos, kung saan residente umano ito ng Barangay San Isidro, Bulusan Sorsogon./ Ayon pa sa mga otoridad, maaring ang pagkakasangkot nito sa kasong kinakaharap nito na paglabag sa Section 5 ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang maaring naging motibo ng mga suspetsado./ Sa record, sa kanyang kinakaharap na kaso, nirerekomenda ng hukuman ang pyansang nagkakahalagagang Php 180,000 pesos./ Samantala patuloy parin ang isisnasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insedente, maaring may matinding galit ang namaril dito dahilan sa pinaulanan ito ng bala.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

PAMPASAHERONG SASAKYANG ‘DI MAGDI-DISCOUNT, TATANGGALAN NG PRANGKISA

Ikinatuwa ng mga estudyante, mga may kapansanan maging ng mga lolo at lola dito sa lalawigan ng Sorsogon sa ibinabala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)./ Ayon kase sa LTFRB ang mga pampasaherong sasakyan ay tatanggalan ng prangkisa kung ang mga ito ay mapatunayang hindi sumusunod sa batas hinggil sa pagbibigay ng 20 percent discount sa mga mag-aaral, senior citizen at mga taong may kapanansan (PWDS) na kanilang pasahero./ Matatandaan na ang pagbibigay ng diskwento ay isa sa inirereklamo ng mga sorsogon dahilan sa marami umanong mga drivers ang ayaw ipatupad iro./ Kaugnay nito nanindigan ang LTFRB na ang sinomang lalabag sa batas hinggil sa pagbibigay ng naturang discount sa mga nabanggit ay pagmumultahin ng mula P1,000 – P5,000 bukod sa kanselasyon sa kanilang prangkisa./ Sa kabilang dako, sinabi ni Atty. Veronica Peralta ng LTFRB, batid ng mga passenger vehicle drivers ang batas sa pagkakaloob ng 20 percent discount sa naturang mga indibidwal pero dahil may ilan na ayaw mabawasan ang kita, kinakalimutan na nilang tupadin ito. / Samantala, ayon sa grupo ng mga senior citizens at PWD’s dito sa lalawigan good news ito sa kanilang sector.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

PRESYO NG KARNENG MANOK AT BABOY SA PALENGKE, PINATATAPYASAN NG DA

Nagpahayag ng pagsang ayon ang mga mamimili sa sorsogon city public market sa mungkahi ng Dept of Agriculture o DA na babaan ng pamahalaan ng hanggang P30 ang presyo ng karneng manok sa mga palengke./ Matatandaan na nitong mga nakaraang araw hindi naging stable ang presyo nito sa mga pamilihan./ Sa datos kase ng DA, nasa P52 na lang ang "farmgate" price ng manok mula sa dating P84. / "Farmgate price" ang tawag sa halaga ng produkto kapag inilabas na sa farm/ Ang pagbaba ng farm gate price ang rason na tinitignan ng DA kung kaya inirerekominda nito ang presyo na P90 hanggang P105 kada kilo./ Ayon pa sa DA, pati ang presyo ng baboy ay sumadsad na rin sa P107 hanggang P113 ang bilihan sa farm mula sa dating hanggang P118 kada kilo./ Samantala, sa panig naman ng mga meat vendors sa sorsogon public market handa naman silang sumunod sa iniaatas ng DA kung makukuha nila ang kanilang iniaangkat na karne sa halagang sinabi ng DA.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

JOB HUNTER HUWAG MAGING MAPILI SA TRABAHO – DOLE SORSOGON

Nagbigay ng hamon ang Dept of Labor and Employment o DOLE-Sorsogon sa mga estudyanteng magtatapos ngayong taon na huwag maging mapili sa trabaho./ Matatandaan na ito na ang naging kalakaran sa mga kabataang sorsoganon lalo na sa mga nagtapos with distinction na hindi tumatanggap ng trabaho na walang kaugnayan sa kanyang tinapos na kurso sa eskwelahan./ Subalit ayon DOLE-Sorsogon OIC Provincial Field Officer na si Marlyn Luzuriaga dapat na samantalahin na muna ng mga estudyanteng magtatapos sa kolehiyo ngayong buwan ng marso upang maiwasan ang maging tambay sa kanto./ Dagdag pa ng nasabing opisyal na marami ang bakanteng posisyon o job opening sa ilang mga pribadong kompanya ngunit hindi naman agad matanggap ang mga aplikante dahil sa mis matching./ Sa kabilang dako, may dagdag paalala si Luzuriaga sa mga tutuntong ng kolehiyo na piliin ang kurso na indemand ngayon at sa mga susunod na taon./ Samantala sakaling hindi ito sundin ng mga magtatapos sa kolehiyo ay madaragdagan na namang muli ang mga unemployed sa bansa.// log-on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

Tuesday, March 24, 2015

SUMMER SEASON SA LALAWIGAN, INAABANGAN NA NG MGA SORSOGANON

Excited na sa ngayon ang mga sorsoganon sa nalalapit na pagpasok ng summer season./ Sa pag ikot-ikot ng wow patrollers, sinabi ni Mang Julian Delumen ng Abuyog na taon-taon pinaghahandaan nila ito dahilan sa dagdag kita na naman umano ito sa kanila kung saan ang mainit na panahon ang pagkakataong kumita ng malaki ./ Dinagdag pa ni Mang Jose na sa katulad niyang care taker ng isang beach resort sa Gubat ito umano ang pamahon kung saan dinudumog sila ng mga bakasyunista, hindi lang ng mga local na turista kundi maging ng mga dayuhang turista./ bukod pa umano sa kita sa resort, malaking tulong din umano ang pagkakahilig ng mga sorsoganon sa mga samalamig na kakanin lalo na ang halo-halo./ Samantala, nagpalabas naman ng abiso ang pagasa dost-legaspi city sa pmamagitan ni Melvin Almojela na mag ingat sa direktang pagpatama ng sikat ng araw sa balat lalo na sa mga oras na alas 9 ng umaga hanggang alas tres ng hapon dahilan sa may dalai tong piligro sa katawan.//

MGA DEBOTONG SORSOGANON PREPARADO NA SA PAGPASOK NG SEMANA SANTA

Abala na sa ngayon ang mga debotong katoliko sa para sa paparating na semana santa./ Matatandaan na ngayong taong 2015 sa susunod na lingo na aalalahanin sa buong mundo ng mga kababayang katoliko ang semana santa./ Kaugnay nito sinabi ni City traffic consultant bitong daria na preparado na ang kanyang mga tauhan para sa nasabing okasyon kung saan nagtalaga siya ng mga tao sa mga lugar na maaring dagsain ng mga turista./ dagdag pa dito suportado ni city mayor sally a. lee ang ganitong adhikain para sa mga bisitang darating sa lungsod nagyiong semana santa./ samantala, dito sa sorsogon marami ngmga deboto ang nag aayuno upang paghandaan ang kanilang mga pananampalatayang sinusunod.//

PAGBABA NG PRESYO NG GASOLINA, HINDI IKINATUWA NG MGA MOTORISTA

Bagamat muling nagpatupad ng roll back ng presyong petrolyo kahapon, hindi naman lubos na natuwa ang mga sorsoganon dahilan sa hindi parin naman umano ito sapat para makabawi sa mahal ng mga bilihin./ Matatandaan na ilang beses naring nagkaroon ng rollback subalit muling sumirit ang presyo nito./ kahapon nga muling nagkaroon ng pagtatapyas ng presyo nito./ Ayon kay mang Jose isang driver na taga Bacon District./ Parang nilalaro lang ng mga kumpanya ng langis ang mga Pilipino dahilan sa para umanong roller coaster ang pagbabago ng presyo nito./ dinagdag pa nito na hindi naman umano ito maramdaman ng mga taga-sorsogon dahil sa ilang arawn naman ay inaasahan na nilang tataas na naman ito./ samantala may ilan namang drayber ang natuwa dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo dahil kahit papaano umano ay nabawasan ang kanilang pasanin.//

PROVINCIAL COUNCIL OF COMMUNITY ELDERS MONTHLY MEETING, NAGING MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang ginanap na City and Provincial Council of Community Elders Monthly Meeting kahapon./ Ginanap ito sa Pulis Kasanggayahan Conference Hall ,Camp Salvador C Escudero Sr ./ Pinangunahan ni PSSUPT BERNARD MOLLANIDA BANAC , PNP Provincial Director ang nasabing aktibidad./ Pinasimulan ang nasabing pag uusap sa papamagitan ng invocation ni Mr Honorio H Grajo sinundan ng welcome remarks ni PSUPT NONITO FURIO MARQUEZ ./ Ipinahayag naman ang crime situation update ni PSUPT VICENTE C MARPURI Jr./ Nagbigay naman ng pahayag si Mr. Peter Henry G. Gallanosa , PCCE Chairman and PSSUPT BERNARD MOLLANIDA BANAC./ sa kabilang dako naging sentro ng meting ang peace and order situation sa probinsya, anti-criminality campaign at iba pa./ samantala bago sinimulan ang programa ay nagkondukta ng libreng BP check –up ang Sorsogon Police Provincial Health Unit, natapos ang aktibidad bandang alas 11:50 kanina.//

SORSOGANON HATI SA SURVEY NG SWS NA DIUMANOY 6 SA 10 PINOY ANG PABOR SA DIBORSYO

Hati sa ngayon ang opinion ng mga sorsoganon sa usaping diborsyo./ Matatandaan na nagpalabas ng datos ang SWS o social weather station kung saan pabor umano sa diborsiyo ang anim sa 10 Pilipino sa bansa./ Sa survey na isinagawa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, 2014, lumabas na 60-porsyento ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat gawing legal ang diborsiyo para sa mga mag-asawang naghiwalay at hindi magkasundo pa nang sa gayon ay makapag-asawang muli./ Umabot sa 38-porsyento ang labis na sumasang-ayon at 22 ang medyo sumang-ayon./ Nasa 29-porsyento naman ang tumutol, 8-porsyento ang nagpahayag ng bahagyang pagtutol habang 21-porsyento ang labis na tumutol. / Lumalabas na sa nakalipas na mga taon, nagkakaroon ng unti-unting pagtaas sa dami ng mga Pilipinong sang-ayon sa diborsiyo. / Noong 2005, may 43-porsyentong pumabor sa diborsiyo na umakyat sa 50-porsyento pagsapit ng 2011. /Sa hanay naman ng mga may-asawang Pinoy, 58-porsyento sa mga ito ang naniniwalang dapat gawing legal ang diborsiyo sa bansa. / Sa mga single naman, 60-porsyento ang pumabor sa diborsiyo. / Lumabas din sa survey na dumoble ang bilang ng mga may live-in partner mula 8-porsyento noong 2011 patungong 16-porsyento noong 2014. /Ang Pilipinas ang natatanging bansa sa buong mundo bukod sa Vatican City kung saan hindi pinapayagan ang diborsiyo./ Samantala, ayon naman sa mga mananampalataya ditto sa sorsogon, ang ganitong klaseng pangyayari umano ang repleksyon na marami ng mga tao ang hindi na kumikilala sa Dios.//

PETISYON PARA SA PAGPAPALIT NG PANGALAN NG SORSOGON NATIONAL HIGH SCHOOL (SNHS) ISINUSULONG

Umani ng pagtutol sa mga mamayang sorsoganon ang petisyon para sa pagpapalit ng pangalan ng sorsogon National High School sa Dr. Salvador H. Escudero III./ Sa impormasyong nakalap ng wow news team nanawagan ang mga alumni ng nasabing eskwelahan na makiisa sa kanilang petisyon upang tutulan ang panukalang pagbabago ng pangalan ng SNHS./ Dagdag pa dito iba’t-ibang ang naging reaksyon at komento ng mga sorsoganon hinggil sa pangyayaring ito./ Sa kabilang dako ang pagpapalit umano ng pangalan ng naturang eskwelahan ay upang bigyang karangalan ang namayapang si Dr. Salvador H. Escudero III./ Samantala ang pagbabago ng pangalan ng nasabing eskwelahan isinusulong ni Bokal Roland Añonuevo.//

2ND PULIS KASANGGAYAHAN SHOOTING COMPETITION,NAGING MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang ginawang 2nd Pulis Kasanggayahan Shooting Competition sa mga kawani ng mga Pulisya ng Sorsogon , Philippine Army at mga sibilyan./ Ayon sa nakalap na impormasyon ng wow patroller naganap ito noong nakalipas na araw March 22, 2015 sa Kasanggayahan Firing Range,Bibincahan, Sorsogon City./ Dagdag pa dito nagsimula ang aktibidad sa isang panalangin na pinangunahan ni PO2 Catherine Bobier, PCR PNCO ng Juban MPS at sinundan ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sumunod ang pambungad na pagbati at ceremonial shot ni PSSUPT BERNARD MOLLANIDA BANAC na hudyat ng pagsimula ng paligsahan./ sa kabilang dako ang nasabing kompetisyon ay may apat na kategorya, ang open division,classic division,production division at standard division./ kauganay nito ay tinanghal na panalo sina PO1 Glenn Lopez ng Sta. Magdalena MPS na nakakuha ng 1st runner up lawman sa kategorya ng standard division,PO1 Benedick Hiban ng Juban MPS, na nakakuha 3rd runner up lawman at PO1 Cindy Abion 1st runner up lady production sa kategorya ng production division.Ang nabanggit na aktibidad ay dinaluhan ni Hon. Robert Lee Rodrigueza, Provincial Administrator ng Sorsogon City at Mr. Marianito Frivaldo, presidente ng Kasanggayahan Gun Club Incorporated./ samantala ang nasabing aktibidad ay nagtapos bandang alas 5:30 ng hapon sa pamamagitan ng pagbigay ng isang pangwakas na mensahe ni PSSUPT BERNARD MOLLANIDA BANAC.//

SORSOGANON, HINIMOK NA MAKIISA SA SA EARTH HOUR 2015 SA MARCH 28

Kasado na ang isang oras na sabayang pagpapatay ng ilaw sa mga tahanan, gusali at establisimyento sa lalawigan ng Sorsogon kung saan pinapangunahan ito ngayon ng opisina ng PENRO o Provincial Environment & Natural Resources Office./ Ayon kay engr. Beth Fruto puspusan na ang kanilang paghahanda hinggil dito kaya naman maigting ang kanilang panawagan sa lahat ng mga taga sorsogon na makiisa sa parogramang ito./ Matatandaan na Earth Hour ay hindi lang ditto sa lalawigan kundi ito ay pang buong mundong Gawain kung saan ito ay inorganisa ng World Wide Fund for Nature (WWF) para sa kalikasan./ kaugnay nito Hinimok ni Fruto ang publiko na lumahok sa Eart Hour 2015 na may global tagline na "Use Your Power to Change Climate Change" kung saan magsisimula alas-8:30 hanggang alas-9:30 Sabado ng gabi./ Samantala, taong simula 2009 hanggang 2013 ay kinilalang "Earth Hour Hero Country" ang bansa dahil sa pakikiisa nito sa kampanya.//

SUPPLY NG ASUKAL SA SORSOGON SAPAT SA PAGPASOK NG SUMMER

Sapat ang suplay ng asukal sa lalawigan ng Sorsogon ngayong pagpasok ng Summer season./ kaugnay nito Siniguro Sugar Regulatory Administration (SRA) kahit na nga nagbabantana ang El Niño, hindi naman umano magkukulang ang asukal./ Matatandaan na ang asukal ang isa sa mga pangunahing bilihin sa probinsya dahilan sa halos lahat ng mga pagkain lalo na ang mga inihahanda sa panahon ng summer ay ginagamitan ng asukal kagaya na lamang ng mga halo-halo./ Ayon kay SRA Administrator Maria Regina Martin, sa ngayon ay gumagawa na sila ng paraan para maiwasan ang pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan./ Samantala, ibinaba narin sa zero mula sa limang prosyento ang presyo ng mga mga class D na asukal na ini-export sa world market habang nasa 95% na ang dating 90% suplay ng asukal sa bansa.//

SORSOGANON, NABABAHALA SA PAGSIRIT NG HIV/AIDS CASE SA PILIPINAS

Nababahala sa ngayon ang mga sorsoganon sa pumutok na balitang nasa 12,500 umano ng mga biktima o positibo na sa HIV/AIDS sa pilipinas ang hindi na muling nagpakita pa sa Dept. of health o DOH. / Matatandaan na dito sa lalawigan ng Sorsogon pumalo na sa 21 katao ang mga biktima nito./ sa impormasyong nakalap ng wow patrollers ang datos na ito ay yung mga namomonitor lang ng Sorsogon Provincial Health Office o PHO, hindi pa dito kasama ang mga nahihiyang magpatingin at yung iba sadyang hindi nagpapa chek-up./ Sa pinakahuling tala ng DOH National Office ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) ay sumirit na sa 22,500./ Kaugnay nito nagpahayag ang ilang mga HIV/AIDS Advocate na dapat matutukan ang information campaign ng gobyerno, para maisiksik sa kamalayan ng publiko, lalo na ng mga kabataan, ang sakit na dala ng “unsafe sex” dahilan sa magpa hanggang sa ngyon marami pa rin sa mga pipilipino lalo na dito sa sorsogon ang hindi alam kung papaano maita-transmit ang HIV sa isang tao,”./ Wala rin umanong maayos na information sa sector na marami ang nahahawa sa HIV kung saan sa mga latest victim ages 22 to 27 ay dahil sa men to men sex pero hindi sila tina-target sa information campaign ng pamahalaan./ Samantala, sa panig naman ng Sorsogon PHO hindi naman umano sila tumitigil sa kanilang ginagawa para mapigilan na ditto sa lalawigan ang nasabing nakamamatay na sakit.//

OPLAN LISTO NA INILUNSAD SA LUNGSOD NAGING MATAGUMPAY

Tagumpay ang Inilunsad ng Department of Interior and local Government-sorsogon ang tinaguriang “Provincial Convergence cum Launching of Disaster Preparedness Manual or OPLAN LISTO./ Sa impormasyong nakalap ng wow patroller, isinagawa sa One Bistro Fernandos Hotel ang nasabing aktibidad kung saan dinaluhan ng iba’t-ibang grupo sa./ Namahagi din ang DILG ng Manual on Typhoon Preparedness dahilan sa madalas na bagyo ang nararanasan sa lalawigan./ Sa kabilang dako laman ng Manual ang paghahanda at dapat gawin ng mga Mayor at checklist para sa mga MLGOO, Chief of Police at Fire Marshall na naglalatag ng mga mahahalagang aksyon sa paghahanda at pagresponde sa panahong may kalamidad./ Samantala ang paglulunsad ng OPLAN LISTO ng DILG ay may layuning matulungan ang mag LGU sa pagpapatupad ng mga ito sa kanilang mandato sa panahong may kalamidad.//

Thursday, March 19, 2015

AS OF 4 PM AYON SA OFFICIAL TALLY NG CLERCK OF COURSE PANGATLO ANG SOR PROVINCE

PANGATLO PARIN PO ANG SORSOGON PROVINCE SA DAY 4 NG PALARONG BICOL AT NASA PANG NUMBER 10 NAMAN ANG SORSOGON CITY PROVINCE / CITY 1. CAMARINES SUR 42gold, 28silver and 22bronze 2. ALBAY 28gold, 17silver and 20bronze 3. SORSOGON PROVINCE 10gold, 17silver, 17bronze 4. CAMARINES NORTE 6gold, 14silver, 26bronze 5. LEGASPI CITY 6gold, 6silver, 4bronze 6. LIGAO CITY 5gold, 3silver, 7bronze 7. NAGA CITY 3gold, 9silver, 13bronze 8. IRIGA CITY 3gold, 1silver, 9bronze 9. CATANDUANES 2gold, 4silver, 5bronze 10. SORSOGON CITY 1gold, 4silver, 7bronze 11. TABACO CITY 1gold, 3silver, 3bronze 12. MASBATE PROVINCE 1gold, 1silver, 11bronze 13. MASBATE CITY zero/gold, 1silver, 6bronze

Wednesday, March 18, 2015

SUSPECTED MERS-COV NAITALA SA SORSOGON

Isang pinaghihinalaang may middle east respiratory corona virus o MERS COV ang naitala na dito sa Sorsogon./ Ayon kay Sorsogon Provincial Health Officer I na si Dr. Edgar Garcia, nakitaan ng sintomas ng MERS COV tulad ng lagnat at pananakit ng katawan ang isang pasyente na naipasok sa Dr. Fernando Duran Sr. Memorial Hospital o Sorsogon Provincial Hospital sa barangay ng Macabog, Sorsogon City./ Dagdag pa ni Garcia, napaghinalaan nilang MERS COV case ang karamdaman nitong pasyente dahilan kararating pa lang nito galing sa bansang Oman. / agad niyang ipinag utos na matyagan ng masinsinan ang pasyente na hindi na muna pinangalanan ng doktor./ Sa kabilang dako makalipas ang ilang oras na pamamalagi sa Provincial Hospital, nagdesisyon si Garcia na ito'y agad na ilipat sa Bicol Medical Center para sa karagdagang obserbasyon / samantala may pitong araw o halos isang linggo na oobserbahan ang pasyente sa nasabing pagamutan para naman makumpirma kung MERS COV nga o ordinaryong sakit ang nararamdaman nito.//

KARAMBOLA NG MGA SASAKYAN SA RIZAL WEST DISTRICT NAGDULOT NG MATINDING TRAPIKO

Nagdulot ng matinding trapiko ang nagyaring karambola ng mga sasakyan sa may porsyon ng rizal west district kahapon./ Personal na nasaksihan ng wow patrollers ang pagbuhol-buhol ng mga sasakyan./ Sa impormasyon na nakalap ng news team humigit kumulang sa 200 sasakayan ang naabala ng nasabing aksidente kung saan, binangga ng isang cargo truck ang isang pampasaherong bus./ Sa naging panayawm ng wow patrollers sa pasahero ng isang sinabi nito na nagkulay pula umano an gang traffic light sa may brgy. rizal sa may parting west district, kaya naman huminto narin ang kanilang bus na sinasakyan./ bigla na lamang umano silang nagulantang ng walang kaabog abog na inararo ng naturang cargo truck ang bus na kanilang sinasakyan na nag resulta ng pagkakabunggo rin ng bus sa L300 van sa kanilang unahan./ Wala namang nairehistrong nasugatan sa mga sakay ng tatlong sasakyan./ Sa kabilang dako makalipas ang halos tatlong oras ay balik-normal na ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar na nagdulot ng matinding abala./ Samantala iniimbestigahan na sa ngayon ng mga otoridad ang nangyaring aksidente.//

SORSOGON PROVINCE PANG NUMBER 3 SAMANTALANG ANG CITY AY PANG NUMBER 5

Inaasahang madadagdagan ngayong araw ang gintong medalya ng sorsogon province sa palarong bicol 2015./ Kaugnay nito napanatili ng probinsya ang pangatlong pwesto matapos na sumungkit ito ng may kabuuang labing isang medalya kung saan tatlo dito ay ginto, lima ang silver at tatlo ang bronze, samantalang ang sorsogon city ay nasa panglimang pwesto na may kabuuang tatlong medalya, isang silver at 2 bronze./ Narito ang team standing as of 4pm ayon sa official tally na pinalabas ng mga clerk of course./ Naungusan na ng Cam sur ang albay na dating number 1 na may 11 gold, 4 silver at 4 bronze, pangalawa nalang ang albay na may 7 ginto, apat na silver at 3 na bronze, at pangatlo nga ang lalawigan ng sorsogon./ Pumalo sa pang apat ang cam norte na may 1 gold, tig limang silver at bronze, at nasa pang limang pwesto ang lungsod ng sorsogon./ nasungkit naman ng ligao city ang pang animna pwesto na may tig isang silver at bronze, pang pito naman ang Masbate city na may isang bronze, pang walo ang Masbate province na may dalawang bronze, tie naman ang catanduanes at iriga city sa pang siyam na pwesto na may tig isang bronze at ang tabaco city, naga city at legaspi city ay zero parin hanggang sa ngayon.//

Tuesday, March 17, 2015

LALAWIGAN NG SORSOGON PATULOY NA NAGHAHANDA SA NAKA AMBANG BAGYONG SI BETTY

Sa kabila ng patuloy na pag hina ng bagyong may international name na bavi at may local name na betty habang patuloy na umuusad sa phil area of responsibility o PAR nakaalerto parin sa ngayon ang probinsya ng sorsogon dahilan sa tuluyan na ngang pumasok sa PAR si betty./ Sa nakalap na impormasyon ng wow smile radio news team patuloy na minomonitor ng sorsogon provincial disaster risk reduction management office o SPDRMO ang namataang sama ng panahon na maaring magdala ng pag uulan na posibli umanong maranasan na sa week end./ Samantala, sa paliwanag ng PAGASA DOST legaspi city, maliit na umano ang tsansa na makapinsala ito sa kabicolan dahilan sa pumihit na ito ng galaw, at sa may norteng bahagi na ng pilipinas ito maaring tumama, dinagdag pa ng pag asa na kapag nag landfall na umano ito ay mas lalo pa itong hihina.//

LALAWIGAN NG SORSOGON PINADAPA ANG LUNGSOD NG IRIGA SA LARONG BASKETBALL KAHAPON

Nasilat ang lungsod ng Iriga sa kanilang pinaka aasam na panalo matapos na padapain ito ng probinsya ng sorsogon para sa larong basketball kahapon./ Limang puntos ang naging kalamangan ng lalawigan sa masbate sa iskor na 88-83./ Matatandaan na noong nakaraang lunes pinatumba rin ng lalawigan ng sorsogon ang Masbate city sa iskor na 81-73./ Sa kabilang dako patuloy paring nakikipag gitgitan ang sorsogon para masungkit ang gintong medalya./ Samantala sa gitna ng init ng panahon ay patuloy parin sa pakikipaglaban ang mga atleta ng lalawigan at lungsod upang magbigay karangalan sa probinsya.//

Thursday, March 12, 2015

KABUUANG 634 NA DELEGADO PARA SA PALARONG BICOL 2015 HAHARUROT NA

Labing dalawang bus ang ginamit ng dept of education sorsogon sa kanilang pag take off patungo sa pili camarines sur./ 

Matatandaan na ang taunang palarong bicol ay iba-ibang probinya ang nagiging host kung saan ang lalawigan ng catanduanes ang pinag ganapan nito noong nakaraang taon./ 

Ngayon nga ang probinsya naman ng camarines sur sa ilalim ng pamumuno ng pinakabatang gobernador sa pilipinas na si migz villafuerte ang host kung saan ito ay magpapasimula sa darating na March 15 to 21 sa  Freedom Sports Complex, Pili, Camarines Sur./ 

Umabot sa humigit kumulang sa 634 ang lahat na tutulak ngayon kasama na ang mga magulang, mga guro at iba pa./ Ayon kay Mr. Anacleto Otivar na siyang pinaka punong abala sa mga manlalaro sa buong probinsya ito ang kauna-unahang pagkakataon na tanging ang soft ball elem level ang wala silang kalahok./ 

Sa kabilang dako, binigyan ng P613 kada atleta bilang personal nilang alawances./ Samantala, lahat ng lalawigan at lungsod sa buong bicol ay nakiisa sa friendly competition ng palarong bicol 2015, laban sorsogon.//

MGA DELEGADO NA SASABAK SA PALARONG BICOL 2015 LALARGA NA

Ngayong umaga na ang nakatakdang pag alis ng mga delegado para sa palarong bicol 2015 na mangagaling ditto sa sorsogon./ 

Matatandaan na Mula noong Feb 19, 2015 ng magpasimula ang pag eensasayo ng grupo ng mga manlalaro sa balogo sports complex./ 

December 3 palang noong nakaraang taon ng magpalabas ng division memorandum number 5 serries of 2015 ang dep ed sorsogon para paghandaan ang palarong bicol kung saan mismong ang dep ed sorsogon division supt na si Dr. Ruby S. Abundabar ang pumirma./ 

Kaugnay nito nasa 17 kategorya sa palaro ang sasalihan ng mga sorsoganon kasama na nga ditto ang Athletics, Arnis, Basketball, chess, football, gymnastics, wushu, wrestling, lawn tennis, swimming, badminton, boxing, table tennis, taekwondo, sepak takraw, vollwy ball at billiard./ 

Samantala, hindi naman nagpahuli ang mga kabataang persons with disability kung saan anim na kabataan ang kalahok.//

4’PS MEMBERS MULING NAGING BENEFICIARIES NG CAPABILITY AND SKILLS TRAINING NG CITY GOVERNMENT

Muling nagsagawa ng capability and skills training ang city government para sa mga 4’ps members na pinonduhan ng department of social welfare and development (dswd) sa ilalim ng bottoms up budgeting (bub)./ 

Ang nasabing training ay kinabibilangan ng reflexology, beauty care at food processing./ 75 miyembro ng 4’ps ang nagsanay sa ibat-ibang lugar ng syudad, katulad ng barangay hall ng bibincahan para sa beauty care, reflexology sa gad office at ang food processing naman ay sa sorsogon state college./ 

11 araw na nagsanay ang mga nasabing beneficiaries na nagsimula noong pebrero 23, 2015./ bawat miyembro ay magkakaroon ng tool kit na magagamit sa pagsisimula ng kanilang negosyo at kabuhayan./ 

Layunin ng city government sa pamumuno ni city mayor sally a. lee na matulungan ang mga mamamayan ng sorsogon na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman na posibleng magbigay daan upang magkaroon sila ng hanapbuhay. //

PETISYON NI BULAN MAYOR MARNELLI ROBLES KAUGNAY NG KANYANG PANANATILI SA PUWESTO, IBINASURA NG MALACAÑANG

Ibinasura ng Malacañang ang petisyon ni bulan mayor marnelli robles kaugnay ng kanyang panantili sa pwesto sa kabila ng 90 days suspension na ipinataw sa kanya ng sanguniang panlalawigan./

Matatandaan na sinuspinde ang naturang opisyal noong nakaraang November 25, 2014  nagunit hindi ito sumunod sa utos at nakipag matigasan pa ito at hindi pinahintulutang paupuin ang pinasumpang acting mayor na si vice mayor Tessie guran./  

Ayon sa nakalap na impormasyon ng wow news team ang desisyon ng palasyo ay may petsang 20, 2015 at pirmado mismo ng  Exec Secretary ni PNOY na si  Pacquito Ochoa./ 

Samantala, Inaasahan ng mga taga bulan na matanggap na ng mayor ang desisyon at tahimik na bababa sa pwesto ang nasabing opisyal.//