Labing dalawang bus ang ginamit ng dept of education
sorsogon sa kanilang pag take off patungo sa pili camarines sur./
Matatandaan
na ang taunang palarong bicol ay iba-ibang probinya ang nagiging host kung saan
ang lalawigan ng catanduanes ang pinag ganapan nito noong nakaraang taon./
Ngayon nga ang probinsya naman ng camarines sur sa ilalim ng pamumuno ng
pinakabatang gobernador sa pilipinas na si migz villafuerte ang host kung saan
ito ay magpapasimula sa darating na March 15 to 21 sa Freedom Sports Complex, Pili, Camarines Sur./
Umabot sa humigit kumulang sa 634 ang lahat na tutulak ngayon kasama na ang mga
magulang, mga guro at iba pa./ Ayon kay Mr. Anacleto Otivar na siyang pinaka
punong abala sa mga manlalaro sa buong probinsya ito ang kauna-unahang
pagkakataon na tanging ang soft ball elem level ang wala silang kalahok./
Sa
kabilang dako, binigyan ng P613 kada atleta bilang personal nilang alawances./
Samantala, lahat ng lalawigan at lungsod sa buong bicol ay nakiisa sa friendly
competition ng palarong bicol 2015, laban sorsogon.//
No comments:
Post a Comment