Muling nagsagawa ng capability and skills training ang city
government para sa mga 4’ps members na pinonduhan ng department of social
welfare and development (dswd) sa ilalim ng bottoms up budgeting (bub)./
Ang
nasabing training ay kinabibilangan ng reflexology, beauty care at food
processing./ 75 miyembro ng 4’ps ang nagsanay sa ibat-ibang lugar ng syudad,
katulad ng barangay hall ng bibincahan para sa beauty care, reflexology sa gad
office at ang food processing naman ay sa sorsogon state college./
11 araw na
nagsanay ang mga nasabing beneficiaries na nagsimula noong pebrero 23, 2015./
bawat miyembro ay magkakaroon ng tool kit na magagamit sa pagsisimula ng
kanilang negosyo at kabuhayan./
Layunin ng city government sa pamumuno ni city
mayor sally a. lee na matulungan ang mga mamamayan ng sorsogon na maiangat ang
kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman na
posibleng magbigay daan upang magkaroon sila ng hanapbuhay. //
No comments:
Post a Comment