WOW

Tuesday, March 24, 2015

SUPPLY NG ASUKAL SA SORSOGON SAPAT SA PAGPASOK NG SUMMER

Sapat ang suplay ng asukal sa lalawigan ng Sorsogon ngayong pagpasok ng Summer season./ kaugnay nito Siniguro Sugar Regulatory Administration (SRA) kahit na nga nagbabantana ang El NiƱo, hindi naman umano magkukulang ang asukal./ Matatandaan na ang asukal ang isa sa mga pangunahing bilihin sa probinsya dahilan sa halos lahat ng mga pagkain lalo na ang mga inihahanda sa panahon ng summer ay ginagamitan ng asukal kagaya na lamang ng mga halo-halo./ Ayon kay SRA Administrator Maria Regina Martin, sa ngayon ay gumagawa na sila ng paraan para maiwasan ang pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan./ Samantala, ibinaba narin sa zero mula sa limang prosyento ang presyo ng mga mga class D na asukal na ini-export sa world market habang nasa 95% na ang dating 90% suplay ng asukal sa bansa.//

No comments:

Post a Comment