Tuesday, March 24, 2015
SORSOGANON, NABABAHALA SA PAGSIRIT NG HIV/AIDS CASE SA PILIPINAS
Nababahala sa ngayon ang mga sorsoganon sa pumutok na balitang nasa 12,500 umano ng mga biktima o positibo na sa HIV/AIDS sa pilipinas ang hindi na muling nagpakita pa sa Dept. of health o DOH. /
Matatandaan na dito sa lalawigan ng Sorsogon pumalo na sa 21 katao ang mga biktima nito./ sa impormasyong nakalap ng wow patrollers ang datos na ito ay yung mga namomonitor lang ng Sorsogon Provincial Health Office o PHO, hindi pa dito kasama ang mga nahihiyang magpatingin at yung iba sadyang hindi nagpapa chek-up./
Sa pinakahuling tala ng DOH National Office ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) ay sumirit na sa 22,500./
Kaugnay nito nagpahayag ang ilang mga HIV/AIDS Advocate na dapat matutukan ang information campaign ng gobyerno, para maisiksik sa kamalayan ng publiko, lalo na ng mga kabataan, ang sakit na dala ng “unsafe sex” dahilan sa magpa hanggang sa ngyon marami pa rin sa mga pipilipino lalo na dito sa sorsogon ang hindi alam kung papaano maita-transmit ang HIV sa isang tao,”./
Wala rin umanong maayos na information sa sector na marami ang nahahawa sa HIV kung saan sa mga latest victim ages 22 to 27 ay dahil sa men to men sex pero hindi sila tina-target sa information campaign ng pamahalaan./
Samantala, sa panig naman ng Sorsogon PHO hindi naman umano sila tumitigil sa kanilang ginagawa para mapigilan na ditto sa lalawigan ang nasabing nakamamatay na sakit.//
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment