Wednesday, March 25, 2015
LALAKING PINAULANAN NG BALA KAGABI, RESIDENTE NG BULUSAN
Kinilala na ang lalaking niratrat kagabi ng humigit kunulang sa dalawampong bala ng baril./ Matatandaan na naging misteryoso sa mga otoridad ang katauhan ng nasabing biktima dahilan sa walang anumang Identification na mapagkakilanlan sa katawan nito./
Sa pinakahuling imbistigasyon, nakilala ang biktimang si Leo Escota Fullon, 29 anyos, kung saan residente umano ito ng Barangay San Isidro, Bulusan Sorsogon./
Ayon pa sa mga otoridad, maaring ang pagkakasangkot nito sa kasong kinakaharap nito na paglabag sa Section 5 ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang maaring naging motibo ng mga suspetsado./
Sa record, sa kanyang kinakaharap na kaso, nirerekomenda ng hukuman ang pyansang nagkakahalagagang Php 180,000 pesos./
Samantala patuloy parin ang isisnasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insedente, maaring may matinding galit ang namaril dito dahilan sa pinaulanan ito ng bala.//
log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment