Tuesday, March 24, 2015
SORSOGANON HATI SA SURVEY NG SWS NA DIUMANOY 6 SA 10 PINOY ANG PABOR SA DIBORSYO
Hati sa ngayon ang opinion ng mga sorsoganon sa usaping diborsyo./ Matatandaan na nagpalabas ng datos ang SWS o social weather station kung saan pabor umano sa diborsiyo ang anim sa 10 Pilipino sa bansa./ Sa survey na isinagawa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, 2014, lumabas na 60-porsyento ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat gawing legal ang diborsiyo para sa mga mag-asawang naghiwalay at hindi magkasundo pa nang sa gayon ay makapag-asawang muli./
Umabot sa 38-porsyento ang labis na sumasang-ayon at 22 ang medyo sumang-ayon./ Nasa 29-porsyento naman ang tumutol, 8-porsyento ang nagpahayag ng bahagyang pagtutol habang 21-porsyento ang labis na tumutol. / Lumalabas na sa nakalipas na mga taon, nagkakaroon ng unti-unting pagtaas sa dami ng mga Pilipinong sang-ayon sa diborsiyo. / Noong 2005, may 43-porsyentong pumabor sa diborsiyo na umakyat sa 50-porsyento pagsapit ng 2011. /Sa hanay naman ng mga may-asawang Pinoy, 58-porsyento sa mga ito ang naniniwalang dapat gawing legal ang diborsiyo sa bansa. /
Sa mga single naman, 60-porsyento ang pumabor sa diborsiyo. / Lumabas din sa survey na dumoble ang bilang ng mga may live-in partner mula 8-porsyento noong 2011 patungong 16-porsyento noong 2014. /Ang Pilipinas ang natatanging bansa sa buong mundo bukod sa Vatican City kung saan hindi pinapayagan ang diborsiyo./ Samantala, ayon naman sa mga mananampalataya ditto sa sorsogon, ang ganitong klaseng pangyayari umano ang repleksyon na marami ng mga tao ang hindi na kumikilala sa Dios.//
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment