Thursday, March 26, 2015
MERS-COV VIRUS, KUMPIRMADONG HINDI PA NAKAKAPASOK SA SORSOGON-DR. GARCIA
Walang dapat na ipangamba ang mga sorsoganon tungkol sa kumakalat na balita na diumanoy nakapasok na sa sorsogonang mers-cov virus./
Matatandaan na biglang kumalat at naging viral sa internet ang pagkakaroon ng lagnat ng isang OFW na galing pa sa bansang Oman, kung saan agad itong pinag hinalaang may mers-cov./
Kaugnay nito agad itong pinasuri at lumabas sa resulta na negatibo ito sa mers-cov./ Ayon kay kay Dr Edgar Garcia, Provincial Health Officer II ng lalawigan ng Sorsogon, na discharge na umano ang nasabing pasyente na una ng ni refer sa Bicol Medical Center para sa obserbasyon./
Dinagdag pa ni Dr. Garcia na kaya ito pinag hinalaan dahilan sa ang lagnat na naranasan nito at iba pang sintomas ay kagaya ng sa MERS COV lalo na kagagaling lang nito sa gitnang silangan kung saan laganap ang mers-cov./
Samantala, ang ganitong reaksyon ng PHO ay ikinatuwa naman ng mga sorsoganon dahilan sa nagpapakita lang ito na preparado ang PHO upang malabanan ang nakamamatay na virus.//
log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment