Thursday, March 26, 2015
DOH AT PHO-SORSOGON NAGBIGAY NG BABALA TUNGKOL SA MGA SAKIT NA DALA NG SUMMER SEASON
Maaari umanong magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ang papalapit na summer season sa probinsya, ito ang ipinahayag ng Dept. of Health Bicol./
Ayon kay DOH Bicol Health Promotions Unit head Noemi Bron, maraming sakit ang maaaring lumitaw ngayong summer dahilan sa mainit na kondisyon ng panahon./
Kasama na umano dito ang sunburn, heat stroke, bungang araw, sore eyes, pigsa, high blood, influenza at marami pang iba./ Kaya naman nagbigay ito ng babala sa mga taga sorsogon na maghanda at maging maingat./
Pinagiingat din ni Bron ang publiko sa mga pagkain lalo na ang mga street foods dahilan sa mabilis mapanis ang mga pagkain kapag sobrang mainit ang temperatura na maaring mag resulta sa food poisoning./
Samantala, Inabisuhan din ng opisyal ang mga taga lungsod umiwas sa direktang pagpapatama sa sikat ng araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon./
Dinagdag pa ni Bron na mas mainam kung palagiang uminom ng sapat na tubig na hindi bababa sa sampung baso kada araw, dahilan sa ang palagiang pag inum ng tubig at pagkakaroon ng healthy lifestyle ang susi para makaiwas sa mga matitinding sakit.//
log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment