WOW

Sunday, June 22, 2014

BREAKING NEWS

Isang malaking sunog sa Public Market ng gubat, sorsogon umabot ng halos apat na oras...

Tuesday, June 10, 2014

OUTSTANDING TRAFFIC AIDE, STREET CLEANERS, BRGY. TANOD, BHW, AT HONEST TRICYCLE DRIVERS PAPARANGALAN

SORSOGON CITY – Kasabay ng pagdeklara ng muli ni Hon. Sally Ante-Lee sa buong Lungsod ng Sorsogon bilang Character City ay ipaparada rin ang irerekognisa ng mga outstanding Sorsoganon dahilan sa kanilang ipinamalas na kagaligan sa pagtupad ng kani-kanilang mga tungkulin. 

Ayonkay City Mayor Sally, isinama sa programa ng Pili Festival ang pagkilala sa mga Outstanding Traffic Aide, Outstanding Eco Aide, Barangay Tanod, Barangay Health Workers at mga Honest Tricycle Drivers upang maging modelo umano ang mga ito sa paggawang kung anu ang nararapat gawin ngi sang mamamayan. Kaugnay nito, marina ng magnominate ang sino man para sa naturang parangal at makipag-ugnayan lamang sa City Tourism Office upang ma validate ang gagawing nomination.

Samantala, binigyang diin ng Alkalde na ang pagkakaroon ng maganda at mabuting asal sa kapwa ay likas sa mga Sorsoganon, subali’t kailangan ipakita pa rin ang consistency nito lalo na sa maliliit na bagay tulad na lamang ng pagbibigay ngwastong kurtisiya, ang paggamit ng salitang Po at Opo, pagmamano at ang paggalang o respeto sa mga nakakatanda.

Matatandaan na pag-upo pa lamang bilang Alakdeng Lungsod ni Mayor Lee noong nakaraang taon agad naming pinasimulan nito ang Values Formation and Education program kung saan inuna nito ang mgakawani ng City Government.


Sa kabilang dako, nais ng Alkalde na palawakin pa ang ganitong programa sa 64 Barangays ng Lungsod, mga Paaralan at iba pang mga sektor o organisasyon kung kaya’t muling idedeklara nito na Character City ang Sorsogon City.# 

KAPAKANAN NG MALILIIT AT KAPUS-PALAD NA MGA SORSOGANON HINDI PINABABAYAAN NG SORSOGON CITY GOVERNMENT

SORSOGON CITY –Umabot na sa  4,847 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng tulong ng local na pamahalaan ng Sorsogon City sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na galling sa maliliit at mahihirap na sektor.

Ang naturang bilang ay naitala lamang mula Enero hanggang buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan. Ayon sa datus na binigay ng CSWDO sa opisina ni Sorsogon City Mayor Sally Ante-Lee, may kabuuang 3,042 na mga Day Care Children mula sa 88 na Day Care Centers sa lungsod ang matiyagang sinubaybayan at inalagaan sa tulong narin ng supplemental feeding program na ginagawa ng nasabing opisina.

Maliban dito, mayroon din 1,365 na binigyan ng Burial Assistance na mga indigents at aabot din sa isang libo ang nabiyayaan ng medical at financial assistance ng local na pamahalaan ng Lungsod.

Samantala, kasama sa HEARTS program ni Hon. Sally Lee ay ang pangangalaga nito sa mga kapus-palad na mga kababayan, mahihirap na sektor at ang mga persons with disability. Mahigit sa Tatlong Daang (300) mga PWD’s narin ang nabigyan ng tulong tulad ng mga wheelchairs, crutches, kasama narin ang pagbibigay ng financial assistance sa mga may kapansanan sa pag-iisip at ang paglaan din ng tulong pinansiyal sa mga SPED Pupils.


Kaugnay nito, labis labis naman ang pagsusumikap ng Alkalde namakakuha pa ng mgaproyekto at makapagbuo ng mga programa para sa kapakanan ng naturang sector lalo na sa Child and Youth Welfare, Family Welfare, Womens Welfare, Senior Citizens, kasama narin ang may mga kapansanan.#

Monday, June 9, 2014

EDUKASYON NANGUNGUNA PA RIN SA PROGRAMA NI HON. SALLY A. LEE

PINATUNAYAN ni Sorsogon City Mayor Sally Ante-Lee na hindi pa rin nagbabago ang kanyang prayoridad sa kabila ng napakaraming programang kanyang inilunsad mula ng maupo bilang alkalde ng lungsod.

Edukasyon. Ito pa rin ang nasa top priority ni Hon. Sally sa kanyang mga programa sa paniniwalang balewala ang anumang proyekto o programang gagawin kung salat sa edukasyon ang mamamayan.

Binigyang diin ng Alkalde na mas madaling maintindihan ng sinuman ang adhikain ng mga nakaupo sa alin mang puwesto ng pamahalaan kung ang mga nasasakupan ay nabigyan ng wastong edukasyon. Naniniwala rin si Mayor Lee na sa pamamagitan nito ay may malaking oportunidad ang bawat isa na umunlad at makaahon sa paghihirap.

Kaugnay nito, mas pang dinagdagan ng City Government sa ngayun ang bilang na mga City Scholars upang mas marami pa ang matutulungan ng lokal na gobierno ng Lungsod. Noong nakaraang lingo ay pumirma na sa Memorandum Of Agreement ang may Pitumpong (70) bagong City Scholars. Muling pinaalalahanan ni Mayor Lee ang mga estudyante kasama ang kani-kanilag mga magulang sa ginanap na orientation sa mga ito na sikaping makapagtapos ng pag-aaral at bigyang pagpapahalaga ang tulong ng ibinigay sa kanila ng Local Government. Idinagdag pa ng Alkalde na hindi dapat mag-alala ang mga ito dahil kahit kalian ay hindi niya ginagamit sa pamumulitika ang pagtulong lalo na sa mga scholars.

Samantala, ibinuhos na rin ni Mayor Sally ang tulong nito sa sektor ng edukasyon makaraang personal na i-abot nito ang tulong ng City Government sa lahat ng mga Public Schools sa lungsod lalo na noong Brigada Eskuwela. Matatandaan na nagbigay ng financial assistance ang City Government sa mga Public Schools sa halagang Limang Libong Piso (Php 5,000.00) para sa Brigada Eskwela at may naghihintay pang Limampong Libong Piso (Php 50,000.00) na gagamitin sa mga proyekto ng naturang mga Paaralan na ipapamahagi naman sa huling yugto ng taong kasalukuyan.


Sa kabilang dako, siniguro ng Alkalde na magiging transparent ang kanyang administrasyon sa pagastos ng pundo lalo na ang galing sa Special Educational Fund o SEF na dati nang naging kontrobersiyal noong nakaraang administrasyon ng Lungsod.#  

PILI FESTIVAL: FESTIVAL NG KASAGANAAN AT KATAHIMIKAN – MAYOR LEE

“Pili Festival is a festival of Plenty, Abundance and Peace”. Ito ang naging pahayag ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee kaugnay ng muling pagbuhay ng Pili Festival sa Lungsod ng Sorsogon.

Nito lamang Sabado, Hunyo 7, 2014 sa kanyang regular na TV at Radio Program ay inihayag ni Hon. Sally Ante-Lee na handang-handa na ang Pamahalaang Lungsod sa mga aktibidad na gaganapin sa tulong na rin ng lahat ng sektor.

Binigyang diin ng Alkalde na bagama’t nais niyang maging kakaiba at mas maraming mga activities sa muling paglunsad ng Pili Festival, subali’t mas pinili pa rin nito ang hindi magastos na mga activities lalo pa’t nasa adjustment pa rin ang pinansiyal na sitwasyon ng City Government.

Samantala, ikinatuwa naman ng halos lahat na aktibong sektor sa Lungsod ang pagbibigay ng malaking rekognasyon sa kanila sa Pili Festival. Maliban sa mga Barangay Officials na kalimitang nagiging tampok sa ganitong aktibidad ay mas pinalawak ng husto ang mga kalahok sa Pili Festival. Kasama na rito ang Transport Sector, Magsasaka at Mangingisda, Senior Citizens, mga Kabataan, Negosyante, at iba pa.

Ayon pa kay City Mayor Sally, magsisimula ang mga aktibidades ng Pili Festival sa Hunyo 23 kung saan gaganapin ang malaking pagtitipon sa City Hall grounds kasama na ang mga inaasahang kalahok galing sa ibat-ibang sektor na pasisimulan sa pamamagitan ng Concelebrated Mass at susundan agad ng Pili Festival Grand Opening declaration. Inaasahan din ang pagdalo ng mga Barangay Contingents mula sa 64 na mga barangays kung saan magdadala umano ang mga ito ng mga kakanin at iba pang mga pagkain na pagsasalu-saluhan bilang hudyat ng selebrasyon.


Inanyayahan din ni Mayor Lee ang lahat na makiisa sa mga activities ng Pili Festival upang ipagdiwang ang kabutihan ng Diyos sa mga taga-Sorsogon City.#

PAMAMAHALA NI MAYOR LEE, 260 ANG NABIYAYAN NG SCHOLARSHIP

Tahimik at matamang nakinig ang 260 recepient ng scholarship na ipinamahagi ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee sa isinagawang final orientation sa sorsogon city function hall./ 

Pinangunahan ni Ms Lilibeth alindogan ang nasabing orientation na dinaluhan naman nina city legal officer Atty. Jovert Laceda, City Admin Cesar Balmaceda, Kgwd Iñigo destacamento chairman ng committee on education at si mayor sally a. lee./ 

Sa nasabing orientation nagging klaro sa lahat ng mga scholars ang layunin ni Mayor Lee sa pagbibigay nito ng scholarship, ayon sa kanya importante sa tao ang may edukasyon kaya naman pinipilit niyang masuportahan ang mga city scholars./

Samantala, isang pangako ang binitiwan ni mayor lee sa mga city scholars na kailanman ay hindi niya ito gagamitin sa pulitika.//

250 FOUNDING ANNIVERSARY NG GUBAT DINALAW NI VENUS RAJ

Mainit na tinaggap ng mga gubatnon ang isa itinaghal na pinakamagandang dalaga buong mundo sa 2010 Miss Universe pageant ./ 

Ang pagdalaw na ito ay kaugnay ng 250th founding anniversary ng bayan ng gubat at bilang isang hurado sa MIss Gubat 2014./

Matatandaan na naging makulay at matagumpay ang unang araw ng nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng napakagandang parada na itinuturing na isa sa pinaka mahabang parada sa buong sorsogon./ itinampok ditto ang ibat-ibang ugali, kultura, at hanapbuhay ng mga gubatnon sa loob ng 250 taon./

Labis naming ikinatuwa ng alkade nito ang nagging tagumpay ng unang limang araw ng kanilang festival dahilan sa syento porsyento ang nagging partisipsyon ng bawat brgy at mga government agencies./ 

Samantala, sa isinagawang parada nagging kakaiba ang presentasyon ng mga gubatnon dahilan sa ang karosa ng mga kandidata para sa Miss Gubat 2014 ay hila hila pa ng kalabaw.//

BULAN MAYOR MRB, SINISI ANG SB MEMBERS SA DI NITO PAGTUTOL SA KANYANG PINIRMAHANG PERMIT TO CUT NG MGA TREE TUNNEL SA BULAN

Turuan, sisihan at pagpapalusot ito ang buod ng ginawang public consultation noong nakaraang myerkules na isinagawa sa bulan freedom park./ 

Ang consultation na ito ay may kaugnayan sa pag preserba pa sa mga century old trees na natitira pa sa may pagitan ng pawa at brgy fabrica na una ng pinutol ang nasa 50 piraso ng puno./ 

Ayon kay Mun. Councilor Chris Gotladera na siyang chairman ng Environment na bypass umano ni Mayor MBR ang SB dahilan sa hindi nito pinadaan sa SB ang pinirmahan nitong permit to cut./ 

Mariin naman itong tinutulan ng alkalde, ayon sa kanya pinatawag niya ang buong SB para pag usapan ito at ni isa walang tumutul hinggil dito./ 

Samantala, matigas parin ang paninindigan ni District Engr Alamar, sinabi nito na imbis na mag ingay magpasalamat nalang sila dahilan sa nabigyan sila ng road widening project.//

FLUVIAL PARADE ISA SA MAGIGING HIGH LIGHR NG PILI FESTIVAL SA SORSOGON

Kasalukuyan na sa ngayon na pinaghahandaan ng local na pamahalaan ng lungsod ng Sorsogon ang nalalapit na Pili Festival na isa sa inaabangan ng mga sorsoganon kada taon kung saan ito ay nakatakdang isagawa sa sa darating na Hunyo 23 hanggang 30./  

Bahagi ng magiging highlight nito ay ang Pili festival  fluvial naval procession ng mga patron ng lahat ng mga kapilyang kasali ditto./ 

Ayon kay Atty.adolfo a. enciso jr. Event Head ng Fluvial Naval Procession  ang mga kapilyang kasali ay ang nasa limang parish church sa lungsod ng Sorsogon na isasagawa sa darating na june 27 dakong alas otso ng umaga, magpapasimula ito sa  buhatan river tutuloy sa Sorsogon bay at derecho ito sa rempyolas./

stival. / 

Samantala, karamihan ng mga event na may kaugnayan ditto ay isasagawa sa rempyolas o pyersite.//

WALANG KINALAMAN ANG CENTURY OLD NA PUNO SA MGA NAAKSIDENTE SA PAGITAN NG PAWA AT FABRICA- BULANEÑO

Hindi umano makatarungan ang mga nagging kasagutan ng DPWH sa pangunguna ni District Engr. Alamar sa nagging Public consultation kahapon sa bayan ng bulan./ 

Ayon SA mga ito hindi naiintindihan ng DPWH ang nararamdaman ng mga taga bulan at tila wala itong pagmamalasakit sa kapaligiran, dahilan sa bukod sa paggigiit nito na dapat ipagpasalamat ang nasabing proyekto marami na umanong aksidente ang naitala ditto na sinusugaan naman ni Bulan Mayor Marnelli B. Robles./ 

Kaugnay nito biglang nagsigawan ang mga nagsidalong WALANG KINALAMAN ANG MGA PUNO NA YAN SA MGA AKSIDENTE./  Subalit matigas parin ang nagging paninindigan ng DPWH sa pagsasabing kailangang putulin ang mga puno dahilan sa obstruction ito sa road widening, Development lang naman umano ang kanilang ginagawa para sa mas ligtas na pagbibiyahe ng mga motorista./ 

Samatala, natapos ang nasabing consultation na hindi na satisfy ang mga nagsidalo, sa kabilang dako nanaig parin ang kagustuhan ng bulaneño na huwag ituloy ang pagpuputol ng puno.//

DISTRICT ENGR. ALAMAR BI-NOO NG MGA BULANENYO NG SABIHIN NITONG PASALAMAT KAYONG MGA BULANEÑO DAHIL NABIGYAN KAYO NG PROYEKTO

Pasalamat kayong mga Bulaneños dahil nabigyan kayo ng proyekto. Ito ang isa tila pang iinsultong sagot ni District Engr. Alamar kung kaya nagsigawan ang humigit kumulang sa 1000 nagsidalo sa public consultation kahapon./ 

Kaugnay nito naging mainit at maaanghang ang palitan ng mga salita sa nasabing public consultation sa bayan ng bulan./ Matatandaan na ikinasa ang nasabing consultation kaugnay ng walang habas na pamumutol ng mga century old na mga puno na tinaguriang tunnel tree sa may pagitan ng brgy. Pawa at fabrica./  

Sa nasabing consultation wala namang naging klarong kasagutan ang mga kinauukulan dahilan sa isang forester lang ang dumalo from DENR kung kaya hindi nito direktang nasasagot ang mga katanungan./ 

Samantala, dumating din sina former mayor Helen baby de castro at guiming de castro.//

PROVINCIAL ADMINISTRATOR ROBERT BOBET LEE RODRIGUEZA ON LEAVE NARIN

Kasabay ng buluntaryong pagpapasuspindi ni Sorsogon Governor Raul R. Lee sa loob ng tatlong buwan, /Sabay ding nagfile ng leave of absence si Sorsogon Provincial Administrator Rober Bobet Lee Rodrigueza, / 
Matatandan na isa ito sa naging mainit na usap-usapan sa buong lalawigan kng mananatili ba sa poder si Admin bobet sa oras na mag leave nga ang gobernador./ Sa kabila ng pagiging on leave ng nasabing administrador, subsub parin sa trabaho si admin bobet na siyang hinahangaan ng mga sorsoganon dahilan sa kahit na wala ito sa opisina ay tuloy parin ang kanyang trabaho./ 

Kaugnay nito kahapon lang ay labis na ikinatuwa ng mga sta. Magdalena ang pagdalaw ni Admin Bobet./ 

Samantala, umaasa ang mga sorsoganon na hindi magiging hadlang ang mga isyung pinapaputok ng mga kalaban nito sa pulitika sa serbisyo publikong kanyang nais na ibigay sa mga tao.//

Tuesday, June 3, 2014

PAMILYA DORONILLA, HUSTISYA NGAYON ANG SINISIGAW SA MAAGANG PAGKAMATAY NI ALBERT

Agad na namatay ang isang lalaki ng bigla nalang itong harangin ng hindi nakikilalang salarin habang papauwi ito sa kanilang bahay matapos dumalo sa isang sayawan sa Bacon District Sorsogon City./ Kinilala ang biktima na si Albert Japon Doronilla 31yo may asawa at nakatira sa cabid an sorsogon City./ 

Sa impormayon na pinalabas ng Sorsogon City Police Station, papauwi na ang biktima ng my biglang sumulpot sa kanilang dinadaanan habang sakay ito ng kanyang motorsiklo / kaya naman napilitan itong bumaba, subalit dali dali itong inundayan ng saksak ng hanggang sa ngayon hindi parin nakikilalang salarin na agad naming tumakas sa may bulubunduking parte ng Bacon./ 

Samantala hustisya sa ngayon ang isinisigaw ng pamilya ng nasabing biktima.//

SASAKYAN NAGKARAMBOLA SA PAGITAN NG BURGOS AT RIZAL ST SA SORSOGON

Halos magkabuhol-buhol ang trapiko noong nakaraang lingo ng gabi ng magkarambola ang tatlong sasakyan sa may pagitan ng Rizal St., at Burgos dito sa lungsod ng sorsogon./ Ito mismo ang nasaksihan ng Wow smile radio news team./ 

Sa inisyal na report bigla na lamang umanong huminto ang isang pulang kotse na may plate # THJ 963 kaya naman na alangan ang tricycle at agad nitong nabangga ang nasabing kotse, dahilan sa pagkabigla hindi narin magawang kontrolin pa ng driver ng motorsiklo ang kanyang minamaneho kung kaya kasama rin siya sa bumangga./ 

Samantala, habang pinagkakaguluhan naman ang pagka diskubre ng bangkay ng mag asawa dito sa bibincahan, dito rin mismo malapit sa belmore st., halos lumipad naman sa ere ang driver ng motor siklo ng makagitgitan nito ang isang tricycle na nagresulta sa pagbanggan nito./ sa ngayon patuloy parin ini imbistigahan ng pulisya ang tunay na dahilan ng nasabing aksidente.// 

BANGKAY NG MAG ASAWA SA BIBINCAHAN, NATAGPUANG MAGKAYAKAP

Hanggang sa huling hantungan pinatunayan ng mag asawang Jaylo ang kanilang lubos na pagmamahalan dito sa lungsod ng sorsogon./ 

Matatandaan na mga dakong ala sais ng gabi noong nakaraang Linggo ng biglang nagulantang ang mga residente eng belmore st., Bibincahan Sorsogon City ng biglang umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa bahay ng mga Jaylo./ 

Kinilala ang mga biktima na sina Macario Jesus Jaylo 71yo at Norma Bongayal Jaylo./ Sa inisyal na imbistigasyon na diskubre ang bangkay ng mag asawa habang magkayakap sa isang sofa, kaugnay nito agad iton ni respondehan ng wow smile radio news team upang alamin ang nasabing kaso./ Rumisponde naman ang SOCO sa nasabing insedente, sinabi nito na maaaring heart attact ang ikinamatay ng dalawa./

Samantala, hindi na pinahintulutan ng pamilya na magkaroon ng otopsiya sa nasabing mga bangkay.//

DR. DIÑO NANAWAGAN SA MGA GURO NA HUWAG MAG MASS LEAVE KAUGNAY NG PANAWAGN NG ACT PARTY LEAST NA IBOYCOT ANG UNANG ARAW NG KLASE.

Kung ang Alliance of Concern teachers o ACT party list ay mahigpit ang panawagan sa lahat ng mga guro na magkaroon ng mass leave sa unang araw ng pasukan dahilan sa hanggang sa ngayon ay bigo parin sila sa kanilang hirit na umento sa kanilang sahod, ay maigting din ang panawagan ng DepED sa pamamagitan ni Dr. Lorna Diño na huwag makiisa ditto./ 

Sa eksklusibong panayam ng wow smile radio kahapon sinabi nito na hindi dapat pabayaan ang mga bata dahilan sa ito ang kanilang boss, bahagi umano ng kanilang sinumpaang tungkulin ang pangalagaan ang kabataan./ 

Matatandaan na halos mahati ang mga guro sa buong pilipinas dahlan sa panawagang ito ng act party list./ 

Samantala, umaasa si Dr. Diño na mangunguna sa puso ng mga guro ang pagsilbi sa estudyante at hindi ng kanilang sarili.//

ASST. SEC. FOR DEP ED PROGRAM & PROJECT NAGPASALAMAT SA BARKADAHAN SA PAKIKIISA SA BRIGADA ESKWELA

Sorsogon City - Pinuri kahapon ni Ast. Sec. for DepED program & project na isa ring Sorsoganon na si Dr. Lorna Diño ang grupo ng barkadahan dahilan sa pakikiisa nito sa isinagawang pag arangakada ng brigade eskwela./

Matatandaan na sa unang araw palang ng brigada agad na nakiisa ang barkadahan, kasama ang grupo ng team bread tambayan kung saan ilang eskwelahan naman sa buong lalawigan ang dinayo ng grupo maging nag bayan ng Castilla at Barcelona./ 

Kaugnay nito laking pasasalamat ang ipina abot ni Dr . Diño sa grupo sa isang eksklusibong panayam ng wow smile radio./ 

Samantala, nanawagan naman si Dr. Diño sa mga magulang at mga mag aaral na makiisa sa lahat ng hakbangin ng departamento.//