PINATUNAYAN ni Sorsogon City Mayor Sally
Ante-Lee na hindi pa rin nagbabago ang kanyang prayoridad sa kabila ng napakaraming
programang kanyang inilunsad mula ng maupo bilang alkalde ng lungsod.
Edukasyon.
Ito pa rin ang nasa top priority ni Hon. Sally sa kanyang mga programa sa
paniniwalang balewala ang anumang proyekto o programang gagawin kung salat sa
edukasyon ang mamamayan.
Binigyang
diin ng Alkalde na mas madaling maintindihan ng sinuman ang adhikain ng mga
nakaupo sa alin mang puwesto ng pamahalaan kung ang mga nasasakupan ay nabigyan
ng wastong edukasyon. Naniniwala rin si Mayor Lee na sa pamamagitan nito ay may
malaking oportunidad ang bawat isa na umunlad at makaahon sa paghihirap.
Kaugnay
nito, mas pang dinagdagan ng City Government sa ngayun ang bilang na mga City
Scholars upang mas marami pa ang matutulungan ng lokal na gobierno ng Lungsod.
Noong nakaraang lingo ay pumirma na sa Memorandum Of Agreement ang may Pitumpong
(70) bagong City Scholars. Muling pinaalalahanan ni Mayor Lee ang mga
estudyante kasama ang kani-kanilag mga magulang sa ginanap na orientation sa
mga ito na sikaping makapagtapos ng pag-aaral at bigyang pagpapahalaga ang
tulong ng ibinigay sa kanila ng Local Government. Idinagdag pa ng Alkalde na
hindi dapat mag-alala ang mga ito dahil kahit kalian ay hindi niya ginagamit sa
pamumulitika ang pagtulong lalo na sa mga scholars.
Samantala,
ibinuhos na rin ni Mayor Sally ang tulong nito sa sektor ng edukasyon makaraang
personal na i-abot nito ang tulong ng City Government sa lahat ng mga Public
Schools sa lungsod lalo na noong Brigada Eskuwela. Matatandaan na nagbigay ng
financial assistance ang City Government sa mga Public Schools sa halagang
Limang Libong Piso (Php 5,000.00) para sa Brigada Eskwela at may naghihintay
pang Limampong Libong Piso (Php 50,000.00) na gagamitin sa mga proyekto ng
naturang mga Paaralan na ipapamahagi naman sa huling yugto ng taong
kasalukuyan.
Sa
kabilang dako, siniguro ng Alkalde na magiging transparent ang kanyang
administrasyon sa pagastos ng pundo lalo na ang galing sa Special Educational
Fund o SEF na dati nang naging kontrobersiyal noong nakaraang administrasyon ng
Lungsod.#
No comments:
Post a Comment