SORSOGON CITY – Kasabay ng pagdeklara ng muli ni Hon. Sally Ante-Lee
sa buong Lungsod ng Sorsogon bilang Character City ay ipaparada rin ang irerekognisa
ng mga outstanding Sorsoganon dahilan sa kanilang ipinamalas na kagaligan sa pagtupad
ng kani-kanilang mga tungkulin.
Ayonkay
City Mayor Sally, isinama sa programa ng Pili Festival ang pagkilala sa mga
Outstanding Traffic Aide, Outstanding Eco Aide, Barangay Tanod, Barangay Health
Workers at mga Honest Tricycle Drivers upang maging modelo umano ang mga ito sa
paggawang kung anu ang nararapat gawin ngi sang mamamayan. Kaugnay nito, marina
ng magnominate ang sino man para sa naturang parangal at makipag-ugnayan lamang
sa City Tourism Office upang ma validate ang gagawing nomination.
Samantala,
binigyang diin ng Alkalde na ang pagkakaroon ng maganda at mabuting asal sa kapwa
ay likas sa mga Sorsoganon, subali’t kailangan ipakita pa rin ang consistency
nito lalo na sa maliliit na bagay tulad na lamang ng pagbibigay ngwastong kurtisiya,
ang paggamit ng salitang Po at Opo, pagmamano at ang paggalang o respeto sa mga
nakakatanda.
Matatandaan
na pag-upo pa lamang bilang Alakdeng Lungsod ni Mayor Lee noong nakaraang taon agad
naming pinasimulan nito ang Values Formation and Education program kung saan inuna
nito ang mgakawani ng City Government.
Sa
kabilang dako, nais ng Alkalde na palawakin pa ang ganitong programa sa 64
Barangays ng Lungsod, mga Paaralan at iba pang mga sektor o organisasyon kung
kaya’t muling idedeklara nito na Character City ang Sorsogon City.#
No comments:
Post a Comment