SORSOGON CITY –Umabot na sa
4,847 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng tulong ng local na pamahalaan
ng Sorsogon City sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office o
CSWDO na galling sa maliliit at mahihirap na sektor.
Ang
naturang bilang ay naitala lamang mula Enero hanggang buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Ayon sa datus na binigay ng CSWDO sa opisina ni Sorsogon City Mayor Sally
Ante-Lee, may kabuuang 3,042 na mga Day Care Children mula sa 88 na Day Care
Centers sa lungsod ang matiyagang sinubaybayan at inalagaan sa tulong narin ng
supplemental feeding program na ginagawa ng nasabing opisina.
Maliban
dito, mayroon din 1,365 na binigyan ng Burial Assistance na mga indigents at
aabot din sa isang libo ang nabiyayaan ng medical at financial assistance ng
local na pamahalaan ng Lungsod.
Samantala,
kasama sa HEARTS program ni Hon. Sally Lee ay ang pangangalaga nito sa mga kapus-palad
na mga kababayan, mahihirap na sektor at ang mga persons with disability.
Mahigit sa Tatlong Daang (300) mga PWD’s narin ang nabigyan ng tulong tulad ng mga
wheelchairs, crutches, kasama narin ang pagbibigay ng financial assistance sa mga
may kapansanan sa pag-iisip at ang paglaan din ng tulong pinansiyal sa mga SPED
Pupils.
Kaugnay
nito, labis labis naman ang pagsusumikap ng Alkalde namakakuha pa ng mgaproyekto
at makapagbuo ng mga programa para sa kapakanan ng naturang sector lalo na sa
Child and Youth Welfare, Family Welfare, Womens Welfare, Senior Citizens,
kasama narin ang may mga kapansanan.#
No comments:
Post a Comment