WOW

Monday, June 9, 2014

PILI FESTIVAL: FESTIVAL NG KASAGANAAN AT KATAHIMIKAN – MAYOR LEE

“Pili Festival is a festival of Plenty, Abundance and Peace”. Ito ang naging pahayag ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee kaugnay ng muling pagbuhay ng Pili Festival sa Lungsod ng Sorsogon.

Nito lamang Sabado, Hunyo 7, 2014 sa kanyang regular na TV at Radio Program ay inihayag ni Hon. Sally Ante-Lee na handang-handa na ang Pamahalaang Lungsod sa mga aktibidad na gaganapin sa tulong na rin ng lahat ng sektor.

Binigyang diin ng Alkalde na bagama’t nais niyang maging kakaiba at mas maraming mga activities sa muling paglunsad ng Pili Festival, subali’t mas pinili pa rin nito ang hindi magastos na mga activities lalo pa’t nasa adjustment pa rin ang pinansiyal na sitwasyon ng City Government.

Samantala, ikinatuwa naman ng halos lahat na aktibong sektor sa Lungsod ang pagbibigay ng malaking rekognasyon sa kanila sa Pili Festival. Maliban sa mga Barangay Officials na kalimitang nagiging tampok sa ganitong aktibidad ay mas pinalawak ng husto ang mga kalahok sa Pili Festival. Kasama na rito ang Transport Sector, Magsasaka at Mangingisda, Senior Citizens, mga Kabataan, Negosyante, at iba pa.

Ayon pa kay City Mayor Sally, magsisimula ang mga aktibidades ng Pili Festival sa Hunyo 23 kung saan gaganapin ang malaking pagtitipon sa City Hall grounds kasama na ang mga inaasahang kalahok galing sa ibat-ibang sektor na pasisimulan sa pamamagitan ng Concelebrated Mass at susundan agad ng Pili Festival Grand Opening declaration. Inaasahan din ang pagdalo ng mga Barangay Contingents mula sa 64 na mga barangays kung saan magdadala umano ang mga ito ng mga kakanin at iba pang mga pagkain na pagsasalu-saluhan bilang hudyat ng selebrasyon.


Inanyayahan din ni Mayor Lee ang lahat na makiisa sa mga activities ng Pili Festival upang ipagdiwang ang kabutihan ng Diyos sa mga taga-Sorsogon City.#

No comments:

Post a Comment