Pasalamat kayong mga Bulaneños dahil nabigyan kayo ng proyekto. Ito ang
isa tila pang iinsultong sagot ni District Engr. Alamar kung kaya nagsigawan
ang humigit kumulang sa 1000 nagsidalo sa public consultation kahapon./
Kaugnay
nito naging mainit at maaanghang ang palitan ng mga salita sa nasabing public
consultation sa bayan ng bulan./ Matatandaan na ikinasa ang nasabing
consultation kaugnay ng walang habas na pamumutol ng mga century old na mga
puno na tinaguriang tunnel tree sa may pagitan ng brgy. Pawa at fabrica./
Sa nasabing consultation wala namang naging
klarong kasagutan ang mga kinauukulan dahilan sa isang forester lang ang dumalo
from DENR kung kaya hindi nito direktang nasasagot ang mga katanungan./
Samantala,
dumating din sina former mayor Helen baby de castro at guiming de castro.//
No comments:
Post a Comment