Turuan, sisihan at pagpapalusot ito
ang buod ng ginawang public consultation noong nakaraang myerkules na isinagawa
sa bulan freedom park./
Ang consultation na ito ay may kaugnayan sa pag
preserba pa sa mga century old trees na natitira pa sa may pagitan ng pawa at
brgy fabrica na una ng pinutol ang nasa 50 piraso ng puno./
Ayon kay Mun.
Councilor Chris Gotladera na siyang chairman ng Environment na bypass umano ni
Mayor MBR ang SB dahilan sa hindi nito pinadaan sa SB ang pinirmahan nitong
permit to cut./
Mariin naman itong tinutulan ng alkalde, ayon sa kanya pinatawag
niya ang buong SB para pag usapan ito at ni isa walang tumutul hinggil dito./
Samantala,
matigas parin ang paninindigan ni District Engr Alamar, sinabi nito na imbis na
mag ingay magpasalamat nalang sila dahilan sa nabigyan sila ng road widening
project.//
No comments:
Post a Comment