WOW

Monday, June 9, 2014

WALANG KINALAMAN ANG CENTURY OLD NA PUNO SA MGA NAAKSIDENTE SA PAGITAN NG PAWA AT FABRICA- BULANEÑO

Hindi umano makatarungan ang mga nagging kasagutan ng DPWH sa pangunguna ni District Engr. Alamar sa nagging Public consultation kahapon sa bayan ng bulan./ 

Ayon SA mga ito hindi naiintindihan ng DPWH ang nararamdaman ng mga taga bulan at tila wala itong pagmamalasakit sa kapaligiran, dahilan sa bukod sa paggigiit nito na dapat ipagpasalamat ang nasabing proyekto marami na umanong aksidente ang naitala ditto na sinusugaan naman ni Bulan Mayor Marnelli B. Robles./ 

Kaugnay nito biglang nagsigawan ang mga nagsidalong WALANG KINALAMAN ANG MGA PUNO NA YAN SA MGA AKSIDENTE./  Subalit matigas parin ang nagging paninindigan ng DPWH sa pagsasabing kailangang putulin ang mga puno dahilan sa obstruction ito sa road widening, Development lang naman umano ang kanilang ginagawa para sa mas ligtas na pagbibiyahe ng mga motorista./ 

Samatala, natapos ang nasabing consultation na hindi na satisfy ang mga nagsidalo, sa kabilang dako nanaig parin ang kagustuhan ng bulaneño na huwag ituloy ang pagpuputol ng puno.//

No comments:

Post a Comment