Tuesday, May 26, 2015
PILAR MPS PERSONNEL AT SORSOGON PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY BINIGYAN NG PARANGAL NG PNP
Binigyan ng komendasyon ni PSSUPT BERNARD MOLLANIDA BANAC, Acting Provincial Director ang mga personahe ng Sorsogon Provincial Public Safety Company na pinamumunuan ni PSUPT MAURO F TAYTAY at Pilar MPS na pinamumunuan naman ni PINSP JOSE ARNEL GERONGA dahil sa naging matagumpay na Seaborne Patrol operation./
Matatandaan na dakong ala 1:55 ng madaling araw ng maaresto ang 22 mangingisda sakay ng F/V "PRINCESS JEANNA LOUISE-1" (17) mangingisda na F/V SUN ALPHEUS./ Sa kabilang dako ang mga nasabing sasakyang pandagat ay pag-aari at nakarehistro sa isang Joselito R. Alega ng Katipunan, St. Phase 2, Calmar Subd. Lucena City./
Samantala ang awarding ceremony ay ginawa kanilang Monday Flag raising ceremony sa Camp Salvador C Escudero Sr., Sorsogon CityCity.//PLEASE LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
LGU-SORSOGON CITY AT LBP MAGPIPIRMAHAN NA SA LOAN NA NAGKAKAHALAGANG 407M
Magpipirirmahan na ang lokal na pamahalaan ng syudad at Land Bank of the Philippines Bicol sa 407 million peso loan ng Sorsogon City government./
Ito ang naging pahayag ni City Councilor Emmanuel Diolata nang tanungin siya tungkol sa estado ng planong pag-utang ng lokal na pamhalaan./ Dagdag pa niya na bago magtapos ang buwan ng hunyo ay posibleng pumunta na ang mga signatories ng LGU ng lungsod upang pumirma sa kontrata./
Sa kabilang dako sa hunyo 20 ang initial schedule ng pirmahan./ Matapos ito ay dadaan na sa ratification ng Sanggunian Panlungsod ang loan agreement na inaasahang wala ang aberya dahil sa halos lahat ng miyembro ng konseho ay pabor sa nasabing kasunduan./
Layunin umano ng naturang loan upang lalong mapaganda ang mga imprastraktura at pagpapaunlad ng lungsod./ Samantala una ng nagpirmahan ang Government of Sorsogon at LBP kung saan gagamitin din bilang pondo sa mga malalaking proyekto ng lalawigan.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
DRIVER NG DALAWANG NA HIT AND RUN, PATAY SA GUBAT PATULOY NA PINAG HAHANAP
Patuloy paring nagtatago hanggang sa ngayon ang driver sa dalawang na hit and run na nag resulta sa kamatayan sa bayan ng Gubat./
Matatandaan na dead on arrival sa ang mga biktimang kinilalang sina Charlie Enguerra Miranda, 21 anyos, binata, residente ng Sitio Natupasan, Bgy Carriedo at Angielyn Penos Daluz, 39 anyos, may asawa at residente ng Bgy Payawin sa bayan ng Gubat./ Sugatan naman sina Mary Joy Penos Laureta, 19 anyos, residente ng Bulan, Sorsogon at isang anim na taong gulang na lalaki, na residente ng Bgy Payawin, Gubat, sorsogon./
Sa impormasyon na pinalabas ng Gubat MPS, habang naglalakad sa kalsada ang apat na biktima patungong Bgy. Carriedo upang manood ng mga aktibidad ng ‘Piyesta sa Nayon’ nang dumaan ang isang humaharorot na L300 van na puti kung saan nahagip ang mga biktima./
Agad namang sumaklolo ang mga residente ng nasabing barangay upang madala ang mga biktima sa ospital habang tumakas naman ang nasabing sasakyan patungong sorsogon city./ Samantala nagsagawa na ng hot pursuit operation ang gubat MPS para sa pagkakakilanlan ng van at ng drayber nito.// PLEASE LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Thursday, May 21, 2015
DALAWANG BARGE PREPARADO NA PARA SUMAKLOLO SA DAAN-DAANG STRANDED NA BUS AT TRUCKING PATUNGO SA PANTALAN NG MATNOG
Dalawang barge sa ngayon ang nakahandang sumaklolo para unti-unti ng mabawasan ang mga nagtambakang mga buses at trucking na nakahambalang sa ngayon sa maharlika highway mula dito sa lungsod hanggang sa bayanng Matnog./
Sa naging panayam ng programang barkadahan afternoon edition kay PNPProvincial Director PSSUPT Bernard Banac bukas na magpapasimula ang paghakot ng nasabing barge na pwedeng magsakay ng hanggang sa 40 na buses./
Sa kabilang dako, preparado narin ang PNP Sorsogon sa pagsalubong sa pagbubukas ng klase sa darating na hunyo./ Ayon pa kay Banac, kasali ang kanilang grupo sa brigade eskwela at maglalagay din sila ng police visibility sa darating na pasukan.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
DALAWANG MALALAKING BARKO O PANGULONG NASABAT SA MUNISIPYO NG PILAR
Huli ang Dalawang malalaking barko na tinatawag na pangulong na pagaari umano ng isang mayor sa lalawigan ng quezon./ Ang PNP sorsogon ang nakalambat kaninang madaling araw sa naturang barko habang ngsasagawa ng illegal na pangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng pilar./
Ayon sa impormasyong nakalap naglalaman ng 500 hangang 1000 na banyera ng isda na plano sanang ipuslit./ Agad namang napurnada ang transaksyon ng dalawang barko kaya naagapan ang mga karga nitong kontrabando./
Dagdag pa dito na nag-aalok umano ng malaking halaga ang may-ari ng nasabing barko bilang areglo sa pagkakasakote ng kanyang mga sasakyang pandagat./ Samantala nanawagan naman ang bantay bicol movement kay PNP Reg. Director Vic Deona na bigyang pansin ang isyung ito para sa kapakanan ng maliliit na mangingisda sa buong rehiyon ng bikol./
Sa naging panayam naman kay Banac may sakay itong 30 tripulante at inihahanda na ditto ang kaukulang kaso./ Matatandaan na sa Masbate may nahuli ring pangulong kung saan pag mamay-ari din umano ito ng nasabi ring alkalde./ Habang sinusulat ang balitang ito gumagawa naman ng paraan ang pulis kasanggayahan kung may kaugnayan ba ang nahuli sa Pilar sa mga nasakote rin sa lalawigan ng Masbate.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
ISANG BRGY TANOD SA BULAN, TULAK NG ILIGAL NA DROGA
Nahulog sa bitag ng mga otoridad ang ISANG BRGY. TANOD NA pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga sa munisipyo ng Bulan./
Ang suspek ay nakilalang si Cesar LOCSIN alias “Boboy”, 42 anyos, barangay tanod at residente ng Brgy. Obrero, Bulan, Sorsogon./
Sa impormasyon nakalap ng wow patroller nagsagawa ng buy-bust operation ang Bulan MPS sa pangunguna ni PSINSP JIMMY PINTOR, na siyang Chief of Police ng Bulan MPS, SPPC 2nd Maneuver Platoon at Provincial Intelligence Branch Sorsogon PPO sa A. Golpeo, Brgy. Zone - 5, Bulan,Sorsogon kahapon na nagresulta sa pagkakasakote ng suspek./
Nakumpiska sa pangangalaga ng suspetsado ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, 1 pirasong box ng posporo na naglalaman ng apat pang heat sealed transparent plastic sachet na pinanniniwalaang shabu, 1 disposable lighter, 1 Php 500.00 at 1 D3 Torque Mobile Phone./
Samantala ang tanod at ang mga narekober na ebidensya ay isasailalim sa laboratory examination at kasong paglabag sa Article II of Republic Act 9165 na mas kilala sa tawag na “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kasong isasampa laban dito.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
5 ARAW NA ALS REGIONAL ENCAMPMENT NAGPAPATULOY
Bukas na ang culminating Day ng Alternative Learning System (ALS) sa kanilang 5 days Regional Encampment Program./
Ayon kay Mam Lorena De Una na siyang ALS Coordinator ng Sorsogon City, layunin umano nito ay upang maranasan din ng mga kabataang nag aaral sa ALS ang mga nararanasan ng mga kabataang nag aaral sa regular class./
13 na dibisyon, 6 na probinsya, 7 lungsod mula sa ibat-ibang dako ng kabicolan ang nakiisa kung saan ang dibisyon ng lungsod ng Sorsogon na pinangungunahan ni Dr. Socorro Dela Rosa ang siyang Host./
May Temang “WALANG KABATAANG MAIIWAN” ang nasabing encampment kung saan nagtagisan ang mga kabataan sa ibat-ibang larangan./ Quiz Bee, Poster Making, Table skirting at marami pang iba./
Samantala, hinati sa apat na kulay ang mga nagsidalo, Orange para sa Iriga City, Camarines Norte and Ligao City./ Pula naman sa Cam. Sur, Tabaco City, at Naga City./ Royal Blue naman sa Masbate province, Masbate City, Sorsogon Province, at Catanduanes./ at Egg Yellow naman ang kulay ng Sorsogon City, Legazpi City, at ALbay.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
ISA ANG PATAY AT SUGATAN NAMAN ANG ISA MATAPOS ITONG PAGBABARILIN SA MAGKAKAHIWALAY NA LUGAR SA LALAWIGAN
Patay ang isang lalaki, at sugatan naman ang isa matapo itong parehongpaulanan ng bala sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan kahapon,/
Matatandaan na Dead on the spot so P02 Roque AƱonuevo, isang intel operativ ng Irosin MPS matapos nitong magsagawa ng ng monitoring ng mga wanted person sa naturang brgy kasama ang kanyang kapatid na si Ronald Anonuevo./
Hanggang sa ngayon patuloy parin ang imbistigasyon ng mga otoridad na pinangunngunahan ni SP01 Noel N. Gojo./ Sa kabilang dako dalawang tama naman ng baril ang tinamo ng isang Christian Haz , 25 anyos , walang asawa, at resident eng brgy. San Vicente, Barcelona, Sorsogon./
Ayon naman sa mga operatiba ng Barcelona MPS dakong alas 10:00 ng gabi ng pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek ang biktima sa merkado publiko ng brgy. Poblacion Sur, Barcelona, Sorsogon habang nanonood ng barangay dance night sa nasabing barangay./
Agad namang dinala ang biktima sa Gubat District Hospital na nagtamo ng dalawang tama sa kanyang hita./ Sa ngayon ay nagkondukta ng “hot pursuit operation ang barceklona MPS para sa mga tumakas na suspek at inaalam din nila kung ano ang motibo ng pamamaril./
Samantala nababahala naman ngayon ang mga otoridad dahil sa magkasunod na insedente ng pamamaril kung saan isang kasamahan nila sa serbisyo ang biktima./ / LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
FOREVER HINDI NATUPAD SA ISANG CONSTRUCTION WORKER SA LUNGSOD
Hindi nagkatotoo ang viral ngayon sa telebisyon na forever matapos na sunduin ni kamatayan ang isang const. worker sa lungsod./
Ayon sa report nangangarap sana ng forever ang binatang si Abner Manatana, const. worker sa SNHS subalit hindi na ito matutupad dahilan sa hindi na ito nagising pa mula sa kanyang pagkakatulog matapos umano itong bangungutin./
Ayon sa kasamahan ni Manata, natagpuan nalamang umano nila ang biktima na isa ng malamig na bangkay sa loob ng gusali ng Sorsogon national High School./
Agad naman nila itong ipinagbigay alam sa mga otoridad upang maimbestigahan at sa inisyal na ulat ng mga pulis posibleng binangungot umano ang biktima dahil wala namang palatandaan o senyales na may nangyareng “foul play”./
Samantala ang gusali ng SNHS ay kasalukuyang 'under construction at minamadali na para sa pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Hunyo.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
CONSTRUCTION NG ROToNDA SA SYUDAD SINIMULAN NA
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Lunsod ng Sorsogon ang
construction sa gagawing rotonda sa lungsod./
Kaugnay ito ng lumalalang kalagayan ng trapiko sa syudad./ Matatandaan na naging solusyon narin ito sa Metro Manila, maging sa Naga City kung saan nagdulot ito ng malaking kagaanan sa daloy ng trapiko./
Kaugnay nito, dito sa syudad ay ito rin ang sinisimulan ng pamunuan ni City Mayor Sally Lee sa pamamagitan ni city traffic consultant Victorino Bitong Daria upang mabawasan rin ang trapiko sa lungsod./
Samantala sa pagsisimula nito ay nagpaalala ang city government sa publiko sa maaring maka epekto ng ginagawang konstraksyon sa pagbubukas ng klase sa June 1. //
LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
CITY COUNCILOR ROGELIO JEBULAN NAGHAIN NG RESOLUTION SA DOTC AT LTFRB PARA MASULUSYUNAN NA ANG PAGTAMBAKAN NG MGA TRUCKING AT BUSES SA LUNSOD
Naghain ng resolusyon si City Cuncilor Rogelio Jebulan sa 5th regular session noong nakaraang Martes para matuldukan na ang pagtambaklan ng mga buses at trucking sa lungsod./
Nakapalaman sa kanyang resolution sa Dept. of Transportation and Communication at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kanilang abisuhan ang lahat ng mga kumpanya ng bus na bumabiyahe patungo sa kabisayaan na dadaan sa pantalan ng Matnog sa tuwing may banta ng sama ng panahon./
Kaugnay ito ng mahabang pila pa rin ng mga truck at bus sa bayan ng matnog kung saan umabot na nga ito dito sa Lungsod kung saan apektado narin nito ang mga karatig bayan kagaya ng Casiguran, Juban at Irosin./
Dagdag pa dito na sa haba ng pila ay ilang pasahero ngayon ang naiipit sa matinding trapiko dulot ng napakahabang pila ng mga cargo trucks./ sa kabilang dako bukod sa haba ng pila ng truck sa munsipyo ng matnog ay meron pang mga stranded sa lungsod na nasa pangangalaga ng sorsogon city police station sa barangay cabid-an, sorsogon city./
Samantala nangangamba naman ang mga bayang apektado ng mahabang pila dahil sa epektong dulot nito sa nalalapit na pasukan.//
LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Subscribe to:
Posts (Atom)