WOW

Thursday, May 21, 2015

ISANG BRGY TANOD SA BULAN, TULAK NG ILIGAL NA DROGA

Nahulog sa bitag ng mga otoridad ang ISANG BRGY. TANOD NA pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga sa munisipyo ng Bulan./ Ang suspek ay nakilalang si Cesar LOCSIN alias “Boboy”, 42 anyos, barangay tanod at residente ng Brgy. Obrero, Bulan, Sorsogon./ Sa impormasyon nakalap ng wow patroller nagsagawa ng buy-bust operation ang Bulan MPS sa pangunguna ni PSINSP JIMMY PINTOR, na siyang Chief of Police ng Bulan MPS, SPPC 2nd Maneuver Platoon at Provincial Intelligence Branch Sorsogon PPO sa A. Golpeo, Brgy. Zone - 5, Bulan,Sorsogon kahapon na nagresulta sa pagkakasakote ng suspek./ Nakumpiska sa pangangalaga ng suspetsado ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, 1 pirasong box ng posporo na naglalaman ng apat pang heat sealed transparent plastic sachet na pinanniniwalaang shabu, 1 disposable lighter, 1 Php 500.00 at 1 D3 Torque Mobile Phone./ Samantala ang tanod at ang mga narekober na ebidensya ay isasailalim sa laboratory examination at kasong paglabag sa Article II of Republic Act 9165 na mas kilala sa tawag na “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kasong isasampa laban dito.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment