WOW

Tuesday, May 26, 2015

DRIVER NG DALAWANG NA HIT AND RUN, PATAY SA GUBAT PATULOY NA PINAG HAHANAP

Patuloy paring nagtatago hanggang sa ngayon ang driver sa dalawang na hit and run na nag resulta sa kamatayan sa bayan ng Gubat./ Matatandaan na dead on arrival sa ang mga biktimang kinilalang sina Charlie Enguerra Miranda, 21 anyos, binata, residente ng Sitio Natupasan, Bgy Carriedo at Angielyn Penos Daluz, 39 anyos, may asawa at residente ng Bgy Payawin sa bayan ng Gubat./ Sugatan naman sina Mary Joy Penos Laureta, 19 anyos, residente ng Bulan, Sorsogon at isang anim na taong gulang na lalaki, na residente ng Bgy Payawin, Gubat, sorsogon./ Sa impormasyon na pinalabas ng Gubat MPS, habang naglalakad sa kalsada ang apat na biktima patungong Bgy. Carriedo upang manood ng mga aktibidad ng ‘Piyesta sa Nayon’ nang dumaan ang isang humaharorot na L300 van na puti kung saan nahagip ang mga biktima./ Agad namang sumaklolo ang mga residente ng nasabing barangay upang madala ang mga biktima sa ospital habang tumakas naman ang nasabing sasakyan patungong sorsogon city./ Samantala nagsagawa na ng hot pursuit operation ang gubat MPS para sa pagkakakilanlan ng van at ng drayber nito.// PLEASE LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment