WOW

Thursday, May 21, 2015

DALAWANG MALALAKING BARKO O PANGULONG NASABAT SA MUNISIPYO NG PILAR

Huli ang Dalawang malalaking barko na tinatawag na pangulong na pagaari umano ng isang mayor sa lalawigan ng quezon./ Ang PNP sorsogon ang nakalambat kaninang madaling araw sa naturang barko habang ngsasagawa ng illegal na pangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng pilar./ Ayon sa impormasyong nakalap naglalaman ng 500 hangang 1000 na banyera ng isda na plano sanang ipuslit./ Agad namang napurnada ang transaksyon ng dalawang barko kaya naagapan ang mga karga nitong kontrabando./ Dagdag pa dito na nag-aalok umano ng malaking halaga ang may-ari ng nasabing barko bilang areglo sa pagkakasakote ng kanyang mga sasakyang pandagat./ Samantala nanawagan naman ang bantay bicol movement kay PNP Reg. Director Vic Deona na bigyang pansin ang isyung ito para sa kapakanan ng maliliit na mangingisda sa buong rehiyon ng bikol./ Sa naging panayam naman kay Banac may sakay itong 30 tripulante at inihahanda na ditto ang kaukulang kaso./ Matatandaan na sa Masbate may nahuli ring pangulong kung saan pag mamay-ari din umano ito ng nasabi ring alkalde./ Habang sinusulat ang balitang ito gumagawa naman ng paraan ang pulis kasanggayahan kung may kaugnayan ba ang nahuli sa Pilar sa mga nasakote rin sa lalawigan ng Masbate.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment