WOW

Tuesday, May 26, 2015

LGU-SORSOGON CITY AT LBP MAGPIPIRMAHAN NA SA LOAN NA NAGKAKAHALAGANG 407M

Magpipirirmahan na ang lokal na pamahalaan ng syudad at Land Bank of the Philippines Bicol sa 407 million peso loan ng Sorsogon City government./ Ito ang naging pahayag ni City Councilor Emmanuel Diolata nang tanungin siya tungkol sa estado ng planong pag-utang ng lokal na pamhalaan./ Dagdag pa niya na bago magtapos ang buwan ng hunyo ay posibleng pumunta na ang mga signatories ng LGU ng lungsod upang pumirma sa kontrata./ Sa kabilang dako sa hunyo 20 ang initial schedule ng pirmahan./ Matapos ito ay dadaan na sa ratification ng Sanggunian Panlungsod ang loan agreement na inaasahang wala ang aberya dahil sa halos lahat ng miyembro ng konseho ay pabor sa nasabing kasunduan./ Layunin umano ng naturang loan upang lalong mapaganda ang mga imprastraktura at pagpapaunlad ng lungsod./ Samantala una ng nagpirmahan ang Government of Sorsogon at LBP kung saan gagamitin din bilang pondo sa mga malalaking proyekto ng lalawigan.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment