WOW

Thursday, May 21, 2015

5 ARAW NA ALS REGIONAL ENCAMPMENT NAGPAPATULOY

Bukas na ang culminating Day ng Alternative Learning System (ALS) sa kanilang 5 days Regional Encampment Program./ Ayon kay Mam Lorena De Una na siyang ALS Coordinator ng Sorsogon City, layunin umano nito ay upang maranasan din ng mga kabataang nag aaral sa ALS ang mga nararanasan ng mga kabataang nag aaral sa regular class./ 13 na dibisyon, 6 na probinsya, 7 lungsod mula sa ibat-ibang dako ng kabicolan ang nakiisa kung saan ang dibisyon ng lungsod ng Sorsogon na pinangungunahan ni Dr. Socorro Dela Rosa ang siyang Host./ May Temang “WALANG KABATAANG MAIIWAN” ang nasabing encampment kung saan nagtagisan ang mga kabataan sa ibat-ibang larangan./ Quiz Bee, Poster Making, Table skirting at marami pang iba./ Samantala, hinati sa apat na kulay ang mga nagsidalo, Orange para sa Iriga City, Camarines Norte and Ligao City./ Pula naman sa Cam. Sur, Tabaco City, at Naga City./ Royal Blue naman sa Masbate province, Masbate City, Sorsogon Province, at Catanduanes./ at Egg Yellow naman ang kulay ng Sorsogon City, Legazpi City, at ALbay.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment