Thursday, May 21, 2015
CITY COUNCILOR ROGELIO JEBULAN NAGHAIN NG RESOLUTION SA DOTC AT LTFRB PARA MASULUSYUNAN NA ANG PAGTAMBAKAN NG MGA TRUCKING AT BUSES SA LUNSOD
Naghain ng resolusyon si City Cuncilor Rogelio Jebulan sa 5th regular session noong nakaraang Martes para matuldukan na ang pagtambaklan ng mga buses at trucking sa lungsod./
Nakapalaman sa kanyang resolution sa Dept. of Transportation and Communication at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kanilang abisuhan ang lahat ng mga kumpanya ng bus na bumabiyahe patungo sa kabisayaan na dadaan sa pantalan ng Matnog sa tuwing may banta ng sama ng panahon./
Kaugnay ito ng mahabang pila pa rin ng mga truck at bus sa bayan ng matnog kung saan umabot na nga ito dito sa Lungsod kung saan apektado narin nito ang mga karatig bayan kagaya ng Casiguran, Juban at Irosin./
Dagdag pa dito na sa haba ng pila ay ilang pasahero ngayon ang naiipit sa matinding trapiko dulot ng napakahabang pila ng mga cargo trucks./ sa kabilang dako bukod sa haba ng pila ng truck sa munsipyo ng matnog ay meron pang mga stranded sa lungsod na nasa pangangalaga ng sorsogon city police station sa barangay cabid-an, sorsogon city./
Samantala nangangamba naman ang mga bayang apektado ng mahabang pila dahil sa epektong dulot nito sa nalalapit na pasukan.//
LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment