WOW

Tuesday, July 15, 2014

Severe Weather Bulletin No.8A ‪#‎GlendaPH‬

Tropical Cyclone Warning: Typhoon "Glenda” (Rammasun)
Issued At 2:30 PM, 15 July 2014
(Valid for broadcast until the next bulletin to be issued at 5 PM today)
TYPHOON “GLENDA” HAS INTENSIFIED SLIGHTLY AS IT MOVES CLOSER TO CATARMAN, NORTHERN SAMAR
Location of eye/center: At 2:00 PM today, Typhoon “GLENDA” was estimated based on all available data and PAGASA Virac Radar at 60 km North Northeast of Catarman, Northern Samar or 110 km East Southeast of Legazpi City, Albay (13.0°N, 124.8°E).
Strength: Maximum sustained winds of 130 kph near the center and gustiness of up to 160 kph.
Movement: Forecast to move West at 24 kph.
Forecast Positions: Typhoon “GLENDA” is expected make landfall over Albay-Sorsogon area this afternoon then cross Albay towards Southern Luzon. It is expected to be in the vicinity of NCR by tomorrow morning and will exit the Luzon landmass via Zambales area by afternoon. By Thursday morning, it will be at 300 km West of Sinait, Ilocos Sur and by Friday morning, it is expected to be in the vicinity of Southern China
PUBLIC STORM WARNING SIGNAL:
PSWS #2 (Winds of 61-100 Kph is expected in at least 24 hours)
• ‪#‎NorthernQuezon‬ including ‪#‎PolilloIslands‬‪#‎Batangas‬‪#‎Cavite‬,‪#‎Laguna‬‪#‎Rizal‬‪#‎Bulacan‬‪#‎Pampanga‬‪#‎Bataan‬‪#‎Biliran‬, rest of #Samar, rest of #EasternSamar, northern part of ‪#‎Leyte‬ province, and‪#‎MetroManila‬
PSWS #1 (Winds of 30-60 Kph is expected in at least 36 hours)
• ‪#‎Romblon‬‪#‎OrientalMindoro‬‪#‎OccidentalMindoro‬‪#‎Zambales‬, #Tarlac, #NuevaEcija, #NuevaVizcaya, #Quirino, #Benguet, #LaUnion, #Pangasinan, #Aurora, southern part of #Leyte province, #CamotesIslands, and #NorthernCebu including #Cebu City.
• Residents in low-lying and mountainous areas under signal #3, #2, & #1 are alerted against possible flashfloods and landslides. Likewise, those living in coastal areas under signal #3 and #2 are alerted against storm surges of up to 3 meters.
• Estimated rainfall amount is from 7.5 - 20.0 mm per hour (moderate to intense) within the 500 km diameter of the typhoon.
• Fishing boats and other small seacrafts are advised not to venture out into the Eastern seaboards of Luzon and Visayas.
• The public and the Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next bulletin to be issued at 5PM today.

Monday, July 14, 2014

FYI


FYI:

Getting hammered by strong winds.... TY Glenda is definitely within the vicinity of Sorsogon Province. Stay indoors people...

FYI:

At 12:00 PM today, Typhoon “#GlendaPH” was estimated based on all available data and PAGASA Virac Radar at 40 km Northeast of Catarman, Northern Samar or 130 km Southeast of Legazpi City, Albay (12.8°N, 125.1°E)

MAGALLANES SORSOGON, POSIBLENG TAMAAN NG STORM SURGE

Nagpalabas na ngayon ang Project Noah o Nationwide Operational Assessment of Hazards ng mga listahan ng posibleng makaranas ng abnormal na pagtaas ng tubig-dagat (sea level) dulot ng bagyo o storm surge.
Batay sa listahan, narito ang mga lugar na posibleng makaranas ng storm surge at ang taas nito (metro) kasama na ang Magallanes Sorsogon:
Ragay, Camarines Sur - 3.01 - 3.50
Catbalogan, Samar - 2.51 - 3.00
Del Gallego, Camarines Sur - 2.51 - 3.00
Gandara, Samar - 2.51 - 3.00
Guinayangan, Quezon - 2.51 - 3.00
Sta. Margarita, Samar - 2.51 - 3.00
Tarangnan, Samar - 2.51 - 3.00
Atimonan, Quezon - 2.01 - 2.50
Buenavista, Quezon - 2.01 - 2.50
Calauag, Quezon - 2.01 - 2.50
Calbiga, Samar - 2.01 - 2.50
Gumaca, Quezon - 2.01 - 2.50
MAGALLANES SORSOGON - 2.01 - 2.50
Motiong, Samar - 2.01 - 2.50
Narciso, Quezon - 2.01 - 2.50
Paranas, Samar - 2.01 - 2.50
Pinabacdao, Samar - 2.01 - 2.50
Plaridel, Quezon - 2.01 - 2.50
Quezon, Quezon - 2.01 - 2.50
Villareal, Samar - 2.01 - 2.50
Zumarraga, Samar - 2.01 - 2.50
Ang surge height ay tumutukoy sa taas ng tubig na lagpas sa sea level, sa oras ng "storm surge peak".
Ang "peak" naman ay ang pinakamataas na antas ng pagtaas ng tubig dulot ng pinagsamang lebel ng tide at storm surge.
Pagkumpirma pa ng PAGASA ang inaasahang storm surge ay aabot ng 1 hanggang 3 metro mula sa normal sea level.
Bagama't mas mababa ang antas nito kumpara noong tumama ang Bagyong Yolanda, una nang nagpayo si Project NOAH head Dr. Mahar Lagmay sa mga residente at maging sa mga establisyimento sa tabing-dagat na sa tuwing may posibilidad ng storm surge:
1. Exercise caution - bagama't hindi kinakailangang lumikas, maging maingat at alerto; at
2. Huwag nang maglaro o lumangoy sa tabing-dagat o dalampasigan.

BAGYONG GLENDA UPDATE:

JTWC Satellite Fix
TPPN11 PGTW 150024

A. TYPHOON 09W (RAMMASUN)

B. 14/2332Z

C. 12.8N

D. 125.4E...estimated distance-187kms east southeast of Legazpi City.

FYI: ANG LANDSLIDE AT MGA DAPAT TANDAAN

LANDSLIDE
Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa kagubatan.

MGA DAPAT TANDAAN
• Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol mismo o mga aftershock nito ang magsisilbing babala. Malaki rin ang epekto ng matinding pag-ulan - dahil sa pagkababad ng lupa sa ulan, napapadali nito ang pagguho ng lupa. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang makalikas.
• Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hangga’t maaari. Iwasang magtayo ng anumang istruktura sa mga lugar na ito.
• Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard katulad ng landslide.
• Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking makapagtukoy ng mga ligtas na relocation site.
• Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng babala kung kinakailangan.
• Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na dami ng ulan. Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning signal. Ito ay kailangang mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa pagbasa ng rain gauge.
• Maiging laging may nakahandang mga relief goods ang lokal na pamahalaan sapagkat mataas ang posibilidad na makulong o ma-isolate ang ilang mga barangay dahil sa pagguho ng mga bundok.
• Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa pagtatanim ng mga punong-kahoy.

FYI: ANG BAHA, ANG FLASHFLOODS, MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGBAHA, MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAHA, MGA DAPAT GAWIN PAGHUPA NG BAHA

BAHA
Nangyayari ang baha o floodings sa pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.

FLASHFLOODS
Ang flashfloods ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba pa. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Sendong sa lalawigan ng Cagayan De Oro) at pagmimina (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal).

MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGBAHA
• Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo.
• Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA.
• Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa sona.
• Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain, maiinom na tubig, gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba pa. Maiging nakabalot ang mga ito sa plastik.
• Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles.
• Mag-imbak na ng malinis na inuming tubig.
• Siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa sa anumang mangyayari.
• Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na daan patungo rito.
• Maghintay sa warning signal na ibibigay ng kagawad tungkol sa paghahanda sa paglikas at sa mismong paglikas.
• Makipag-ugnayan sa nakatalagang kagawad kung nais nang lumikas patungo sa kamag-anak sa ibang barangay upang maitala.
• Ang Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) ay dapat maghanda ng kanilang gamit tulad ng malalaking flashlight, radyong de-baterya, warning device (megaphone, pito, kalembang), mga matitibay na lubid, first aid kit, sasakyang may sapat na gasolina para sa mabilis na paglikas at pakikipag-ugnayan, mga gamit pang-komunikasyon tulad ng cellphone, mga kagamitan tulad ng martilyo, liyabe, wrench, pala, at iba pa.
• Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas na bago pa masira ang mga daan at mga tulay.
• Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar.
• Bago lumikas, patayin muna ang kuryente at ikandadong mabuti ang bahay.

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAHA
• Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa.
• Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim.
• Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga binahang ilog.
• Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang pagkain.
• Pakuluan ang tubig bago ito inumin.

MGA DAPAT GAWIN PAGHUPA NG BAHA
• Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay.
• Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
• Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. Lutuin muna ng mabuti o pakuluan ito bago kainin o inumin.
• Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng kuryente, tubo ng tubig, at iba pa.
• Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng kuryenteng nabasa at lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.

FYI:ANG BAGYO, MGA DAPAT GAWIN BAGO DUMATING ANG BAGYO, MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAGYO

BAGYO
Ang bagyo o typhoon/storm ay malakas na hanging kumikilos ng paikot na madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito.

Public Storm Warning Signal (PSWS). Ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang dadaanan nito, at ano ang mga paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo.

• PSW Signal Number 1 – hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 oras.
• PSW Signal Number 2 – hanging may lakas mula 61-100 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 oras.
• PSW Signal Number 3 – hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang pagdating sa loob ng 18 oras.
• PSW Signal Number 4 – napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob ng 12 oras.

MGA DAPAT GAWIN BAGO DUMATING ANG BAGYO

• Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya;
• Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at biskwit), lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot;
• Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (para sa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sa pamamagitan ng pagtatali at/o pagpapako ng maayos sa mga ito); at
• Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay.

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAGYO
• Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay;
• Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;
• Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit;
• Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan;
• Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at
• Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at nakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency.
 
SORSOGON IS NOW UNDER SIGNAL # 3

*FYI: c. When Signal No. 3 or higher is raised by PAGASA, classes at pre-school, elementary, secondary, and tertiary levels, in the affected area, including graduate school, as well as work in all government offices, shall be automatically cancelled or suspended.

FROM: The Official Gazette
Executive Order No. 66, s. 2012
Published: January 9, 2012.


MALACAÑAN PALACE
MANILA
BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
EXECUTIVE ORDER NO. 66
PRESCRIBING RULES ON THE CANCELLATION OR SUSPENSION OF CLASSES AND WORK IN GOVERNMENT OFFICES DUE TO TYPHOONS, FLOODING, OTHER WEATHER DISTURBANCES, AND CALAMITIES
WOW SMILE RADIO!

TROPICAL DEPRESSION WATCH!

Latest bulletin from Mr. Dalida of DOST as of 11pm
Sorsogon is now under public storm Signal # 3
Sustained winds : 120kph
gustines winds : 150kph
speed 20kph
expected land fall tomorrow evening 7 to 8pm
WOW SMILE RADIO!

TROPICAL DEPRESSION WATCH!

STRANDED AS OF 4:00PM

Matnog Port :  TRUCK  - 7
                      BUS      - 8
                      CAR      - 16
                      PASSENGER - 406

PIlar Port    :  MOTOR BANCA   - 1
                    FAST CRAFT        - 1
                    TRUCK                 - 1
                    PASSENGER       - 21

Bulan Port   : PASSENGER       - 35
WOW SMILE RADIO!

TROPICAL DEPRESSION WATCH!

as of 8:15pm


Tropical Depression Glenda


Sustained Winds  : 110kph

Gustines              : 140kph

Coordinates  :   12.8N, 128.1E
WOW SMILE RADIO!

TROPICAL DEPRESSION WATCH!

As od this moment 8:12pm, Sir Doods Marianito ay kapanayam ang mga Alkalde ng Probinsya Sorsogon para sa preparation sa Bagyong "Glenda"

Manatiling naka antabay sa 92.7fm..
WOW SMILE RADIO!

TROPICAL DEPRESSION WATCH!

According to Mr. Dalida of DOST maglalandfall ang bagyo alas 9 ng umaga sa Rapu-Rapu bukas. 
WOW SMILE RADIO!

TROPICAL DEPRESSION WATCH!

Severe Weather Bulletin No.5 #GlendaPH
Tropical Cyclone Warning: Tropical Storm "Glenda” (Rammasun)
Issued At 5:00 PM, 14 July 2014
(Valid for broadcast until the next bulletin to be issued at 11 PM today)

TROPICAL STORM “GLENDA” HAS INTEN... See More
Severe Weather Bulletin No.5 #GlendaPH
Tropical Cyclone Warning: Tropical Storm "Glenda” (Rammasun)
Issued At 5:00 PM, 14 July 2014
(Valid for broadcast until the next bulletin to be issued at 11 PM today)

TROPICAL STORM “GLENDA” HAS INTENSIFIED FURTHER AS IT CONTINUES TO MOVE WESTWARD THREATENING BICOL REGION.

Location of eye/center: At 4:00 PM today, Tropical Storm “GLENDA” was estimated based on all available data at 470 km East Southeast of Virac, Catanduanes or 500 km East of Legazpi City, Albay (12.7°N, 128.9°E).

Strength: Maximum sustained winds of 110 kph near the center and gustiness of up to 140 kph.

Movement: Forecast to move West at 30 kph.

Forecast Positions: Tropical Storm“GLENDA” is expected to be in the vicinity of Ligao City, Albay by tomorrow afternoon and at 90 km West Northwest of Iba, Zambales by Wednesday afternoon. By Thursday morning, it is expected to be 500 km West of Laoag City, Ilocos Norte.

PUBLIC STORM WARNING SIGNAL:

PSWS #3 (Winds of 101-185 kph is expected in at least 18 hours)
•#Catanduanes

PSWS #2 (Winds of 61-100 Kph is expected in at least 24 hours)
•#CamarinesNorte, #CamarinesSur, #Masbate including #BuriasIsland and #TicaoIsland, #Albay. #Sorsogon, #Marinduque, #SouthernQuezon, and #NorthernSamar

PSWS #1 (Winds of 30-60 Kph is expected in at least 36 hours)
•#Romblon, #OrientalMindoro, #OccidentalMindoro, #LubangIsland, #Batangas, #Cavite, #Laguna, #Rizal, #Bulacan, #Pampanga, #Bataan, #Zambales, #Tarlac, #NuevaEcija, #Pangasinan, #SouthernAurora, #NorthernQuezon including #PolilloIslands, #EasternSamar, #Samar, #Biliran, and #MetroManila

BUONG PROBINSYA NG SORSOGON PINAG IINGAT SA DENGUE SA PAGPASOK NG TAG ULAN, BULAN NAKAPAGTALA NG ISANG PATAY

Bunsod ng pagkamatay ng isang bata sa bayan ng bulan na pinaghihinalaang biktima umano ng dengue kaya naman, nagpaalala na ang Provincial Health Office sa pangunguna Dr. Edgar Garcia na mag ingat sa kagat ng lamok na may dalang dengue./

Ayon sa pag aarala Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. /Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. /

Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue. / Matatandaan na isangg bata sa bayan ng Bulan ang namatay at pinaghihnalaang dengue ang nagging sanhi nito./ Ayon Ka Dra. Estrella Payoyo na siyang nangunguna sa Bulan Rural Health Unit, nakaramdam ng pagsusuka ng dugo ang bata, at mabilis umanong bumaba ang plate lets nito na isa sa mga sanhi ng dengue./


Samantala, naka alerto sa ngayon ang local na pamahalaan ng bulan kung sakaling dumami ang kaso ng dengue sa sa nasabing bayan at magkaroon ng dengue out break.//

BULAN NATIONAL HIGH SCHOOL, NILUSOB NG SANDAMAKMAK NA LAMOK

Labis na ikinagulat ng mga Estudyante ng Bulan National High School ang biglang pagdagsa ng laksa-laksang lamok sa kanilang eskwelahan nito lamang nakaraang araw./

Sa panayam ng wow patrollers sa OIC ng Bulan National High School o BNHS na si Mr. Rino Orr, sinabi nito na ang matinding pag uulan noong nakaraang araw ang nagging sanhi ng nasabing pagusob ng mga lamok./

Ayon sa mga estudyante na direktang na apektuhan bigla umanong dumilim ang kanilang class room at ikinabigla nalang nila ng Makita nilang lamok pala ang pumasok sa at dumapo sa mga dingding at bintana, dagdag pa ng mga estudyante na ang akala nila mga langaw dahilan sa nakarinig sila ng parang hizzing sound pero ito pala ay mga malalaking lamok./


Agad naming rumisponde ang LGU Bulan at pina sprayhan ito./ Smantala, para d malanghap ng mga estudyate ang mga pinag spray sa lamok kung kaya sinuspindi ang klase sa loob ng dalawang araw.//

PAMILYANG NATULUNGAN NI SORSOGON CITY MAYOR LEE NA MAGKAROON NG PABAHAY, LABIS LABIS PARING NAGPAPASALAMAT

Maliit palang ako, pangarap ko na talaga ang magkaroon ng sariling bahay at lupa, pero alam ko hindi na ito matutupad kase mahirap lang sina mama at papa./

Ito ang madamdaming pahayag ng isa sa napagkalooban ng libring titulo ng lupa na bahagi ng programa at vision ni Sorsogon Sally A. Lee na maging informal settlers free ang lungsod sa taong 2020./

Matatandaan na noong nakaraang State of City Address namudmod ng libring titulo ng lupa si Mayor Lee sa 258 na pamilya./  Kaugnay nito hanggang sa ngayon marami paring hindi makapaniwala na matutupad din ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling lupa na mapagtitirikan ng bahay at ngyari lang ito sa ilalim ng pamamahala ni Mayor lee na una ng natigil sa loob ng anim na taon ng mapalitan ng pamamahala ang lungsod./


Samantala, ipinangako ng mga resident eng mga bagong may ari ng free certificate of lot entitlements na aalagaan nila ito hanggang mga susunod nilang hinirasyon.//

KAHANDAAN NG MEDIA PRACTITIONER SA LALAWIGAN PINAG USAPAN SA THE IMPORTANCE OF MEDIA IN DISASTER PREPAREDNESS & RESPONSE

Tagumpay at naging makabuluhan ang isinagawang seminar na pinangasiwaan ng EDC o Energy Dev. Corporation, kung saan ipinakita dito ang kahalagahan at role ng media particular na dito sa sorsogon kapag may sakunang dumating sa lalawigan./

Dinaluhan ng humigit kumulang sa 30 media practitioner na galing dito sa sorsogon at maging sa lalawigan ng Albay./ Naging panauhin sa nasabing seminar ang AVP, EDC Corporate affairs na si Mr. John Arnaldo./ Dito napag usapan ang ibat-ibang aspeto lalona ang umanoy masamang epekto ng EDC sa kalusugan ng mga kalapit brgy binigyan naman ng mga kasagutan./


Isa pa sa nagbigay ng maraming karunungan pagdating sa safety si Dr. Ted Esguera na siyang Head ng EDC Disaster Prevention team at host ng RED Alert sa DZMM./ ayon sa kanya importanteng maunawaan ng bawat tao at media ang halaga ng mga nakapalibot sa kanya lalo na ng kanyang pamilya upang mapag handaan ito ng mabuti, dahil ugali na ng pinoy na iniingatan lang at pinag hahandaan ang isang bagay kung ito ay may mahal na presyo, kaya ipinaintindi niya na kung totoong mahal mo ang kapamilya mo dapat preparado ka lalo na pag may kalamidad./ /