LANDSLIDE
Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa kagubatan.
MGA DAPAT TANDAAN
• Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol mismo o mga aftershock nito ang magsisilbing babala. Malaki rin ang epekto ng matinding pag-ulan - dahil sa pagkababad ng lupa sa ulan, napapadali nito ang pagguho ng lupa. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang makalikas.
• Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hangga’t maaari. Iwasang magtayo ng anumang istruktura sa mga lugar na ito.
• Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard katulad ng landslide.
• Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking makapagtukoy ng mga ligtas na relocation site.
• Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng babala kung kinakailangan.
• Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na dami ng ulan. Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning signal. Ito ay kailangang mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa pagbasa ng rain gauge.
• Maiging laging may nakahandang mga relief goods ang lokal na pamahalaan sapagkat mataas ang posibilidad na makulong o ma-isolate ang ilang mga barangay dahil sa pagguho ng mga bundok.
• Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa pagtatanim ng mga punong-kahoy.
No comments:
Post a Comment