Labis na
ikinagulat ng mga Estudyante ng Bulan National High School ang biglang pagdagsa
ng laksa-laksang lamok sa kanilang eskwelahan nito lamang nakaraang araw./
Sa panayam
ng wow patrollers sa OIC ng Bulan National High School o BNHS na si Mr. Rino
Orr, sinabi nito na ang matinding pag uulan noong nakaraang araw ang nagging
sanhi ng nasabing pagusob ng mga lamok./
Ayon sa mga
estudyante na direktang na apektuhan bigla umanong dumilim ang kanilang class
room at ikinabigla nalang nila ng Makita nilang lamok pala ang pumasok sa at
dumapo sa mga dingding at bintana, dagdag pa ng mga estudyante na ang akala
nila mga langaw dahilan sa nakarinig sila ng parang hizzing sound pero ito pala
ay mga malalaking lamok./
Agad naming
rumisponde ang LGU Bulan at pina sprayhan ito./ Smantala, para d malanghap ng
mga estudyate ang mga pinag spray sa lamok kung kaya sinuspindi ang klase sa
loob ng dalawang araw.//
No comments:
Post a Comment