Tagumpay at
naging makabuluhan ang isinagawang seminar na pinangasiwaan ng EDC o Energy
Dev. Corporation, kung saan ipinakita dito ang kahalagahan at role ng media
particular na dito sa sorsogon kapag may sakunang dumating sa lalawigan./
Dinaluhan ng
humigit kumulang sa 30 media practitioner na galing dito sa sorsogon at maging
sa lalawigan ng Albay./ Naging panauhin sa nasabing seminar ang AVP, EDC
Corporate affairs na si Mr. John Arnaldo./ Dito napag usapan ang ibat-ibang
aspeto lalona ang umanoy masamang epekto ng EDC sa kalusugan ng mga kalapit
brgy binigyan naman ng mga kasagutan./
Isa pa sa
nagbigay ng maraming karunungan pagdating sa safety si Dr. Ted Esguera na
siyang Head ng EDC Disaster Prevention team at host ng RED Alert sa DZMM./ ayon
sa kanya importanteng maunawaan ng bawat tao at media ang halaga ng mga
nakapalibot sa kanya lalo na ng kanyang pamilya upang mapag handaan ito ng
mabuti, dahil ugali na ng pinoy na iniingatan lang at pinag hahandaan ang isang
bagay kung ito ay may mahal na presyo, kaya ipinaintindi niya na kung totoong
mahal mo ang kapamilya mo dapat preparado ka lalo na pag may kalamidad./ /
No comments:
Post a Comment