Maliit
palang ako, pangarap ko na talaga ang magkaroon ng sariling bahay at lupa, pero
alam ko hindi na ito matutupad kase mahirap lang sina mama at papa./
Ito ang
madamdaming pahayag ng isa sa napagkalooban ng libring titulo ng lupa na bahagi
ng programa at vision ni Sorsogon Sally A. Lee na maging informal settlers free
ang lungsod sa taong 2020./
Matatandaan
na noong nakaraang State of City Address namudmod ng libring titulo ng lupa si
Mayor Lee sa 258 na pamilya./ Kaugnay
nito hanggang sa ngayon marami paring hindi makapaniwala na matutupad din ang
kanilang pangarap na magkaroon ng sariling lupa na mapagtitirikan ng bahay at
ngyari lang ito sa ilalim ng pamamahala ni Mayor lee na una ng natigil sa loob
ng anim na taon ng mapalitan ng pamamahala ang lungsod./
Samantala,
ipinangako ng mga resident eng mga bagong may ari ng free certificate of lot
entitlements na aalagaan nila ito hanggang mga susunod nilang hinirasyon.//
No comments:
Post a Comment