WOW

Monday, July 14, 2014

BUONG PROBINSYA NG SORSOGON PINAG IINGAT SA DENGUE SA PAGPASOK NG TAG ULAN, BULAN NAKAPAGTALA NG ISANG PATAY

Bunsod ng pagkamatay ng isang bata sa bayan ng bulan na pinaghihinalaang biktima umano ng dengue kaya naman, nagpaalala na ang Provincial Health Office sa pangunguna Dr. Edgar Garcia na mag ingat sa kagat ng lamok na may dalang dengue./

Ayon sa pag aarala Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. /Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. /

Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue. / Matatandaan na isangg bata sa bayan ng Bulan ang namatay at pinaghihnalaang dengue ang nagging sanhi nito./ Ayon Ka Dra. Estrella Payoyo na siyang nangunguna sa Bulan Rural Health Unit, nakaramdam ng pagsusuka ng dugo ang bata, at mabilis umanong bumaba ang plate lets nito na isa sa mga sanhi ng dengue./


Samantala, naka alerto sa ngayon ang local na pamahalaan ng bulan kung sakaling dumami ang kaso ng dengue sa sa nasabing bayan at magkaroon ng dengue out break.//

No comments:

Post a Comment