Friday, November 4, 2016
MALAKING BAHAGI NG LALAWIGAN NG SORSOGON LUBOG PA RIN SA BAHA DAHIL SA WALANG HUMPAY NA PAG UULAN, LUNGSOD NG SORSOGON AT 4 BAYAN SA LALAWIGAN, JUBAN, CASTILLA, PILAR AT DONSOL SUSPENDIDO ANG KLASE
Lubog parin sa baha ang maraming bahagi sa lalawigan ng sorsogon kaugnay ng nagpapatuloy na pagbagsak ng ulan. Kung maalala Miyerkules palang kasi ng gabi wala ng humpay ang pagbuhos ng ulan lalo na sa lungsod ng sorsogon hanggang sa mga oras na ito. Kaugnay nito kanselado na ang mga pasok sa lahat ng level sa lungsod ng Sorsogon. Mga bayan ng Pilar, Castilla, Casiguran, Juban at maging sa Donsol sorsogon. May mga lugar na hanggang leeg na ang tubig, may mga tulay narin na inapawan na ng walang humpay na pag uulan. Ayon sa pag asa hindi naman bagyo ang sanhi ng pag uulan kundi ang inter tropical convergence zone. Sa kabilang dako, rason ng pag extend sa suspension of class ay ang public safety and general welfare. Samantala, hanggang sa ngayon wala pa ring humpay ang ginagawang pag iikot ng City Disaster Risk reduction and management office para mamonitor ang kalagyan ng buong lungsod.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
LALAWIGAN AT LUNGSOD NG SORSOGON ANG NAG IISANG CITY & PROVINCE TANDEM NA NAPAGKALOOBAN NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARD SA BUONG KABICOLAN
Ipinagmalaki ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee ang Seal of Good Local Governance o SGLG award na natangap ng Provincial Governemt at LGU Sorsogon City dahilan sa ito lang ang tanging lugar sa buong kabicolan na parehong nakatangap ng SGLG ang lalawigan at ang lungsod. Sa awarding ceremony kasi, iginawad din sa Ligao at Legaspi City ang SGLG subalit walang award ang lalawigan ng Albay, ang Camarines norte at Catanduanes ay awardee din pero walang nakasamang bayan na naselyohan. Kaugnay nito labis ang tuwa at pasasalamat ni Mayor Lee dahilan sa dito sa sorsogon parehong kinilala ng DILG ang provincial government at city government. Sa naging pahayag naman ni Sorsogon Gov. Robert Bobet Lee Rodrigueza malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng provincial government workers dahilan sa malaki umano ang naging ambag ng mga ito sa natangap ng provincial govt na SGLG. Ayon pa sa governador “Ito ay bunga po ng mga pagsisikap at tapat na paglingkod ng ating mga kawani ng Provincial Government of Sorsogon. Sa kabilang dako ang SGLG award ng DILG ay pinaka prestihiyosong award ng nasabing departamento. Samantala, tanging 306 local government units (LGUs) out of the 1,672 sa buong bansa ang naparangalan ng SGLG na iginawad ng DILG.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
MGA RESIDENTE NA MALAPIT SA MGA BULKAN BULUSAN INALERTO NG PHILVOCS
Inalerto na sa ngayon ng PHIVOLCS - Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang publiko na nainirahan malapit sa bulkan Bulusan lalo na ang malapit sa may dalisdis at mga ilog na mag ingat sa posibling pagbuhos ng tinatawag na mud flow at lahar. Ayon kay mr. Cris Diolata ng PHIVOLCS observatory dito sa lungsod may dalang peligro ang mga pag uulan dahilan sa posible nitong anurin ang mga abo at lahar na naka imbak sa tagiliran ng bulkan. Matatandaan na noong nakaraang lingo sa biglaang pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong sina ferdie at lawin nakaranas na ng mud flow ang mga ilog na malapit sa mapaso irosin, cogon at mga ilog na kumukonekta dito. Kaugnay nito mahigpit ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente dito para walang madisgrasya. Samantala, puspusan sa ngayon ang monitoring ng PHIVOLCS at MDRRMO Irosin at ng Bulusan para makita kung sino ang pangunahing maapektuhan .
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
PAGTAAS NG PRESYO NG TUBIG NG SORSOGON CITY WATER DISTRICT IKINABABAHALA NG MGA KONSESYUNARYO
Hindi maiwasang mag alala ng ilang mga concesionare ng Sor. City Water District o SCWD hinggil sa posibleng pagtataas ng singil na kanilang babayaran ito’y kasunod ng pag take over na nga ng Primewater infratracture sa operasyon ng SCWD. Sa reaksyon kasi na natanggap ng WOW news team ikinababahala nila na posible umanong bawiin ng PrimeWater sa singil sa tubig ang plano nitong pagpapaganda ng kanilang serbisyo. Kung maalala bukod sa pagsasaayos ng serbisyo kasama din sa gagawin nito ang pagpapalawak sa operasyon ng water district , ikinagulat nalang kasi ng publiko ang biglaang pag take over ng PrimeWater sa SCWD noong nakaraang oct 17, 2016. Una na kasing nagpahayag si Sor. City Mayor Sally Lee na kanyang tutukan ang problema sa water system ng lungsod kung saan nagkausap narin sila ng bise gobernador na si Hon. Ester Hamor kasama ang opisyal ng SCWD at ang GM ng Casiguran water CWD District na si Engr. Tejada sa posibleng pag suplay ng sa Ciudad galing sa CWD mula sa Orok Nature spring sa Brgy Inlagadian, Casiguran. Sa kabilang dako, sinabi naman ng Dept of Interior & Local Gov’t o DILG na bawal makialam ang mga local govt official sa pakikialam sa mga autonomous agencies katulad ng water district. Samantala, sa panig naman ng SCWD sinabi nitong ngayong taon ay wala naman umanong aasahang pagtaas ng presyo ng tubig na kanilang isusuplay sa lahat ng mga concesionare.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
... UNDAS SA LALAWIGAN PANGKALAHATANG NAGING MAPAYAPA
Pangkalahatang naging mapayapa ang pag gunita ng undas sa buong lalawigan ito ang namataan ng wow news team sa halos dalawang araw na paggalugad ng grupo para sa undas 2016. Kapansin pansin na naging organisado ang bawat sementeryo na dinalaw ng news team. maganda rin ang naging daloy ng trapiko na siyang pangunahing problema dito sa lungsod tuwing nov. 1. Halos alam na rin ng mga kababayan ang mga ipinagbabawal sa sementeryo kaya naman bihira lang ang mga nakumpiskahan nito. Sa kabilang dako, sa bayan ng Bulusan ala sais palang halos nagsiuwian na ang mga nagsidalaw sa kanilang public cemetery. Samantala, kahit na nga naging mapayapa ang undas may nangyari namang pananaksak sa distrito ng bacon.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
CITY ENRO NAGING MAAGAP SA PAG KUHA SA MGA BASURANG DALA NG UNDAS SA LUNGSOD
Naging maagap ang mga kawani ng City ENRO sa paglilinis sa mga kalat na naiwan ng katatapos palang na UNDAS. Kaugnay nito kasama sa kanilang plano ang paglutas sa mga mga plastic mga DISPOSABLE SPOON AT GLASSES na ginamit nitong nakaraang UNDAS. Ayon kay City ENRO Head Mr. Jonjie Gerona, ang mga basura na kanilang nakuha ay may malaki pa ring pakinabang dahilan sa idinagdag nila ito sa mga ipinapasa sa material recovery facility kung saan dito kinukuha ang mga pangunahing sangkap sa kanilang proyektong mga bricks. Ang nasabing mga bricks ay ginagamit sa mga infras project kung saan napakalaki ang naging tulong nito sa publiko, bukod kasi sa nabawasan na ang mga basura na itinatapon mas mura pa itong brick kaysa sa mga hollow blocks. Sa kabilang dako mahigpit pa rin ang paalala ng City ENRO sa publiko na seryosohin ang pag segregate ng mga basura sa kani-kanilang mga tahanan. Samantala, ang ganitong programa ay bahagi sa pangunahing tinututukan ni Mayor Lee para sa mas ikagaganda ng lungsod ng Sorsogon.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
Friday, September 9, 2016
DALAWANG LALAKING NAWAWALA SA BAYAN NG MATNOG NA RESCUE SA BUTUAN CITY
Na rescue na ng mga police ng butuan city ang dalawang lalaki na napa ulat na nawala sa terminal ng matnog noong hulyo 1. Matatandaan na halos magwala ang magulang ng dalawang kalalakihang ng bigla itong maglaho. Ayon kay PS/Inspector Calagui na siyang Chief of Police sa bayan ng matnog, matapos ang nagging ulat agad nilang inalarma ang lahat ng kapulisan sa buong pilipinas. Kinilala naman ang dalawang lalaki na sina Wilson Geneblaso Jr. at Nonito Pantoni Jr. Ayon sa nakalap na impormasyon ng wow patroller isang Mabazuka Arakim ang nagpakilala sa mga bata kung saan inoperan ito na magtrabaho bilang isang helper sa bakery ngunit pagdating sa butuan city ay agad na hinold ito ng mga kapulisan dahilan sa nuna na silang inalarma ng PNP matnog. Sakabilang dako labis naming ikinatuwa ng kanilang pamilya ang mabilisang aksyon ng kapulisan. Samantala kinasuhan na ng paglabag sa republic act of 9208 o ang anti trafficking of person of 2003. Sa ngayon ay sasailalim na sa medico legal ang mga biktima.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
RESIDENTE NG BRGY PANGE NATATAKOT PARIN SA POSIBLENG PAG GUHO NG LUPA SA KANILANG LUGAR
Sa kabila ng Wala ng naiulat na pag galaw ng lupa sa brgy pange sa bayan ng matnog subalit nababahala parin ang mga residente ditto nab aka isang araw ay muli na naman itong gumalaw. Matatandaan na nagkaroon na ditto ng minor landslide na labis na ikinatakot ng mga residente nito. Ayon kay Brgy Councilor Rogelio Gera Local Monitoring Council Member sa ngayon wala naman silang nararanasan na pag galaw ng lupa, kung saan tatlong beses din umano nilang minomonitor ang lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga residente dito. Sakabilang dako takot parin ang nararamdaman ng mga residente dahilan sa malaki parin ang posibilidad ng muling pag guho ng lupa lalo na sa tuwing bubuhos ang ulan. Samantala hiling naman ng mga taga brgy pange na mailipat na sana sila sa lalong mas madaling panahon sa lupang nakalaan para sa kanila na binili pa noong nakaraang administrayon sa pamamahala ni dating mayor Emil Panday Ubaldo.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA, TUTOK NA TUTOK PARA MAPIGILAN ANG TERORISMO SA LALAWIGAN
Personal na tinututukan sa ngayon ni Sorsogon Governor Bobet Lee Rodrigueza ang pangangalaga sa katahimikan. Kaugnay nito naging sentro ng kanilang pagpupulong ng pinagsamang pwersa ng Phil. Army, Philippine Port authority, Phil. Coastguard at LGU ang pag bibigay ng seguridad sa pantalan ng matnog kung saan dagsaan ang mga pasaherong pumapasok at lumalabas dito. Ayon sa panayam kay PS/Ins. Ronaldo Calagui Jr. mas mahigpit na ang ipapatupad nilang pag iinspeksyon sa pantalan ng matnog kung saan iniinspeksyon nila ang mga strebo ng sasakyan at mga bagahe ng mga pasahero. Dagdag pa ni PS/Ins. Calagui na mayroong holding area ang mga sasakyan para mas ma inspeksyon nila ng mabuti ang mga sasakyan. Mayroon namang k9 dog na syang katulong nila upang ma detect ang mga pampasabog na maaaring mailusot ng terorista. Sakabilang dako sapat umano ang bilang ng mga otoridad para bigyan ng seguridad ang bayan ng matnog na syang entry point ng ibang lalawigan. Nangako naman si Governor Bobet at ang pamunuan ng Phil. Army na dadagdagan ang k9 dog para ma detect nila ang droga at bomba na posibleng mapuslit dito. Samantala hinihingi naman ni Calagui ang tulong ng mga sibilyan para maging maayos ang bayan ng matnog at dagdag pa nito na ang kanilang ginagawa ay upang ma proteksyunan lamang ang publiko.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MSWDO AT PNP SA BAYAN NG CASIGURAN HANGAD NA MAGKAAYOS NA ANG MGA MAGULANG NG GRADE 1 PUPIL NA UMANOY SINAKTAN AT NG GURO NITO
Handa umano ang pamunuan ng MSWDO at PNP sa bayan ng casiguran na tulungan ang magulang at ng mismong batang biktima ng diumanoy pananakit sa isang bata. Ayon kay Glocenda Bontigao na siyang Social Worker Officer sakaling hindi makontento sa imbestigasyon ng Dep.Ed ang mga magulang ng isang grade 1 na estudyante handa silang tulungan ito. Sakabilang dako ayon naman kay PO2 Rocindy Hymalin Gender and Development Section ng Casiguran PNP sila naman ang magsasampa ng kaso kung sakaling hindi magkasundo ang dalawang panig at hingin na ang kanilang asistensya ng mga magulang ng bata. Dagdag pa ng MSWDO at PNP na hangad parin nila na magkaroon na ng pagkakaayos ang dalawang panig at hindi na umabot sana sa pagsampa ng kaso.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Posts (Atom)