WOW

Friday, November 4, 2016

MGA RESIDENTE NA MALAPIT SA MGA BULKAN BULUSAN INALERTO NG PHILVOCS

Inalerto na sa ngayon ng PHIVOLCS - Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang publiko na nainirahan malapit sa bulkan Bulusan lalo na ang malapit sa may dalisdis at mga ilog na mag ingat sa posibling pagbuhos ng tinatawag na mud flow at lahar. Ayon kay mr. Cris Diolata ng PHIVOLCS observatory dito sa lungsod may dalang peligro ang mga pag uulan dahilan sa posible nitong anurin ang mga abo at lahar na naka imbak sa tagiliran ng bulkan. Matatandaan na noong nakaraang lingo sa biglaang pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong sina ferdie at lawin nakaranas na ng mud flow ang mga ilog na malapit sa mapaso irosin, cogon at mga ilog na kumukonekta dito. Kaugnay nito mahigpit ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente dito para walang madisgrasya. Samantala, puspusan sa ngayon ang monitoring ng PHIVOLCS at MDRRMO Irosin at ng Bulusan para makita kung sino ang pangunahing maapektuhan . i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

No comments:

Post a Comment