WOW

Friday, November 4, 2016

PAGTAAS NG PRESYO NG TUBIG NG SORSOGON CITY WATER DISTRICT IKINABABAHALA NG MGA KONSESYUNARYO

Hindi maiwasang mag alala ng ilang mga concesionare ng Sor. City Water District o SCWD hinggil sa posibleng pagtataas ng singil na kanilang babayaran ito’y kasunod ng pag take over na nga ng Primewater infratracture sa operasyon ng SCWD. Sa reaksyon kasi na natanggap ng WOW news team ikinababahala nila na posible umanong bawiin ng PrimeWater sa singil sa tubig ang plano nitong pagpapaganda ng kanilang serbisyo. Kung maalala bukod sa pagsasaayos ng serbisyo kasama din sa gagawin nito ang pagpapalawak sa operasyon ng water district , ikinagulat nalang kasi ng publiko ang biglaang pag take over ng PrimeWater sa SCWD noong nakaraang oct 17, 2016. Una na kasing nagpahayag si Sor. City Mayor Sally Lee na kanyang tutukan ang problema sa water system ng lungsod kung saan nagkausap narin sila ng bise gobernador na si Hon. Ester Hamor kasama ang opisyal ng SCWD at ang GM ng Casiguran water CWD District na si Engr. Tejada sa posibleng pag suplay ng sa Ciudad galing sa CWD mula sa Orok Nature spring sa Brgy Inlagadian, Casiguran. Sa kabilang dako, sinabi naman ng Dept of Interior & Local Gov’t o DILG na bawal makialam ang mga local govt official sa pakikialam sa mga autonomous agencies katulad ng water district. Samantala, sa panig naman ng SCWD sinabi nitong ngayong taon ay wala naman umanong aasahang pagtaas ng presyo ng tubig na kanilang isusuplay sa lahat ng mga concesionare. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

No comments:

Post a Comment