Friday, September 9, 2016
GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA, TUTOK NA TUTOK PARA MAPIGILAN ANG TERORISMO SA LALAWIGAN
Personal na tinututukan sa ngayon ni Sorsogon Governor Bobet Lee Rodrigueza ang pangangalaga sa katahimikan. Kaugnay nito naging sentro ng kanilang pagpupulong ng pinagsamang pwersa ng Phil. Army, Philippine Port authority, Phil. Coastguard at LGU ang pag bibigay ng seguridad sa pantalan ng matnog kung saan dagsaan ang mga pasaherong pumapasok at lumalabas dito. Ayon sa panayam kay PS/Ins. Ronaldo Calagui Jr. mas mahigpit na ang ipapatupad nilang pag iinspeksyon sa pantalan ng matnog kung saan iniinspeksyon nila ang mga strebo ng sasakyan at mga bagahe ng mga pasahero. Dagdag pa ni PS/Ins. Calagui na mayroong holding area ang mga sasakyan para mas ma inspeksyon nila ng mabuti ang mga sasakyan. Mayroon namang k9 dog na syang katulong nila upang ma detect ang mga pampasabog na maaaring mailusot ng terorista. Sakabilang dako sapat umano ang bilang ng mga otoridad para bigyan ng seguridad ang bayan ng matnog na syang entry point ng ibang lalawigan. Nangako naman si Governor Bobet at ang pamunuan ng Phil. Army na dadagdagan ang k9 dog para ma detect nila ang droga at bomba na posibleng mapuslit dito. Samantala hinihingi naman ni Calagui ang tulong ng mga sibilyan para maging maayos ang bayan ng matnog at dagdag pa nito na ang kanilang ginagawa ay upang ma proteksyunan lamang ang publiko.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment