WOW

Friday, November 4, 2016

LALAWIGAN AT LUNGSOD NG SORSOGON ANG NAG IISANG CITY & PROVINCE TANDEM NA NAPAGKALOOBAN NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARD SA BUONG KABICOLAN

Ipinagmalaki ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee ang Seal of Good Local Governance o SGLG award na natangap ng Provincial Governemt at LGU Sorsogon City dahilan sa ito lang ang tanging lugar sa buong kabicolan na parehong nakatangap ng SGLG ang lalawigan at ang lungsod. Sa awarding ceremony kasi, iginawad din sa Ligao at Legaspi City ang SGLG subalit walang award ang lalawigan ng Albay, ang Camarines norte at Catanduanes ay awardee din pero walang nakasamang bayan na naselyohan. Kaugnay nito labis ang tuwa at pasasalamat ni Mayor Lee dahilan sa dito sa sorsogon parehong kinilala ng DILG ang provincial government at city government. Sa naging pahayag naman ni Sorsogon Gov. Robert Bobet Lee Rodrigueza malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng provincial government workers dahilan sa malaki umano ang naging ambag ng mga ito sa natangap ng provincial govt na SGLG. Ayon pa sa governador “Ito ay bunga po ng mga pagsisikap at tapat na paglingkod ng ating mga kawani ng Provincial Government of Sorsogon. Sa kabilang dako ang SGLG award ng DILG ay pinaka prestihiyosong award ng nasabing departamento. Samantala, tanging 306 local government units (LGUs) out of the 1,672 sa buong bansa ang naparangalan ng SGLG na iginawad ng DILG. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

No comments:

Post a Comment