WOW

Friday, November 4, 2016

CITY ENRO NAGING MAAGAP SA PAG KUHA SA MGA BASURANG DALA NG UNDAS SA LUNGSOD

Naging maagap ang mga kawani ng City ENRO sa paglilinis sa mga kalat na naiwan ng katatapos palang na UNDAS. Kaugnay nito kasama sa kanilang plano ang paglutas sa mga mga plastic mga DISPOSABLE SPOON AT GLASSES na ginamit nitong nakaraang UNDAS. Ayon kay City ENRO Head Mr. Jonjie Gerona, ang mga basura na kanilang nakuha ay may malaki pa ring pakinabang dahilan sa idinagdag nila ito sa mga ipinapasa sa material recovery facility kung saan dito kinukuha ang mga pangunahing sangkap sa kanilang proyektong mga bricks. Ang nasabing mga bricks ay ginagamit sa mga infras project kung saan napakalaki ang naging tulong nito sa publiko, bukod kasi sa nabawasan na ang mga basura na itinatapon mas mura pa itong brick kaysa sa mga hollow blocks. Sa kabilang dako mahigpit pa rin ang paalala ng City ENRO sa publiko na seryosohin ang pag segregate ng mga basura sa kani-kanilang mga tahanan. Samantala, ang ganitong programa ay bahagi sa pangunahing tinututukan ni Mayor Lee para sa mas ikagaganda ng lungsod ng Sorsogon. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

No comments:

Post a Comment