WOW

Friday, November 4, 2016

MALAKING BAHAGI NG LALAWIGAN NG SORSOGON LUBOG PA RIN SA BAHA DAHIL SA WALANG HUMPAY NA PAG UULAN, LUNGSOD NG SORSOGON AT 4 BAYAN SA LALAWIGAN, JUBAN, CASTILLA, PILAR AT DONSOL SUSPENDIDO ANG KLASE

Lubog parin sa baha ang maraming bahagi sa lalawigan ng sorsogon kaugnay ng nagpapatuloy na pagbagsak ng ulan. Kung maalala Miyerkules palang kasi ng gabi wala ng humpay ang pagbuhos ng ulan lalo na sa lungsod ng sorsogon hanggang sa mga oras na ito. Kaugnay nito kanselado na ang mga pasok sa lahat ng level sa lungsod ng Sorsogon. Mga bayan ng Pilar, Castilla, Casiguran, Juban at maging sa Donsol sorsogon. May mga lugar na hanggang leeg na ang tubig, may mga tulay narin na inapawan na ng walang humpay na pag uulan. Ayon sa pag asa hindi naman bagyo ang sanhi ng pag uulan kundi ang inter tropical convergence zone. Sa kabilang dako, rason ng pag extend sa suspension of class ay ang public safety and general welfare. Samantala, hanggang sa ngayon wala pa ring humpay ang ginagawang pag iikot ng City Disaster Risk reduction and management office para mamonitor ang kalagyan ng buong lungsod. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

No comments:

Post a Comment