WOW

Friday, May 23, 2014

Five NPA rebels were killed and another two captured during a clash between government troops and a group of rebels in Matnog Sorsogon at about 5:45am today

The 17-man section under 31st infantry battalion composed of two army officers operates at Sitio hukdong, barangay Balocawe, Matnog, Sorsogon was fired upon by more or less 25 alleged NPA guirelia. The government troops retaliated and firefight ensued. This resulted to five body counts and five high powered firearms recovered (2 M653 rifles, 2 M16 rifles, and 1 M 203 grenade launcher)
The slain NPA rebels were identified as Kumander Randy, Sonny Pajarillo alyas nick, Alyas Ryan, Alyas Butchokoy, and Elias Garduque. The two apprehended were identified as Maricel Remon alyas Rusel and a certain Intia Garduque.
Brig General Joselito Kakilala in an interview said that Kumander Randy is the Commanding Officer of the provincial yunit group and Ka ryan is his Vice Commander.
Gen. Kakilala attributed the successful operation to the civilians who supported his troops by texting to their hotline numbers seeking for an assistance to the alleged extortion activities of said groups.

Wednesday, May 21, 2014

BARKADAHAN SA TULONG NG TEAM BREAD TAMBAYAN UMARANGKADA SA BRIGADA ESKWELA 2014

SORSOGON CITY - Kasabay ng pagharurot ng BRIGADA ESKWELA 2014 sa buong pilipinas sa lahat ng mga pampublikong paaralan,  sabay ding umarangkada ang grupo ng Wow Smile Radio sa pamamagitan ng pangunahin nitong katuwang na BARKADAHAN ORGAZATION, sa pakikipag tulungan din ng Team Bread Tambayan  nito lamang lunes na siyang unang anang araw ng brigada eskwela./ 

Ang unang nabiyayaan ng libreng serbisyo ng Barkadahan ay  ang  Sorsogon East Central School na pinangungunahan ng principal nito na si Mam Ma. Teresa Dreu./ “ Sa lahat ng gustong tumulong, mas maganda po kung mga pang disaster at pang emergency ang inyong ibigay kase ito po ang tema ng brigade ngayon” – Ma. Teresa Dreu./ 

Higit naman sa inaasahan ang ipinakitang suporta ng BARKADAHAN Organization dahilan sa halos doble sa napag usapang pwersa ang dumating./ Kaninang Umaga araw ng Miyerkules ay nasa Libtong Elem School sa bayan ng Castilla ang grupo ng barkadahan sa pangunguna ni Ate Mabel Garcia ang Secretary at Siya ring board member ng grupo./ “Sobrang busy ngayon ang barkadahan kase napakaraming damu” – Ate Mabel./ Labis ding ikinatuwa ng principal ng libtong elem school ang nasabing brigade “ Sobra po kaming nagpapasalamat dahil sa first time in the history may stake holder na tumulong sa aming brigada” Ms. Tan – Principal./  



Samantala, sa Byernes sa Pangpang Elem School dito sa lungsod at sa San Roque Elem School sa Bacon District ang distinasyon ng barkadahan at sa May 30 naman ay sa Bugtong Elem. School sa bayan ng Barcelona./ Nagpaabot naman ng labis na pasasalamat ang principal ng Sorsogon East Central School sa wow smile Radio./ Malaking tulong naman ang nai ambag ng mga pinturang ipinagkaloob ng Sirit Construction Supply, Cumadcad Enterprises at Provincial Admin. Bobet Lee.//

PROVINCIAL BOARD MEMBER RENATO JOEY GUBAN AT 2ND DISTRICT CONGRESSMAN DEOGRASCIAS DING RAMOS BREAK NA?

SORSOGON - Tahasan na ngang inamin ni sorsogon 2nd District Congressman Diogracias Ding Ramos na wala na siyang pakialam kay Sorsogon 2nd District Board Member Renato “Joey” Guban./ Matatandaan na matagal ng umuugong na di umanoy may hidwaang namamagitan kay bokal joey at cong ramos./

Sa isang eksklusibong interview ng wow patrollers kay cong ramos inamin nito na wala na nga silang pakialamanang dalawa./ kaugnay nito nagpalabas na ng official statement ang nasabing congressman sa tuluyan na nga niyang pag iwan sa nasabing bokal sa pamamagitan ng sulat na pinadala nya sa opisina ni Bulan Mayor Marnelie B. Robles, nakasaad sa sulat na umpisa noong nakaraang mayo 16, hindi na si joey guban ang kanyang magiging official Representative sa local development council ng bulan kundi ito ay kanya ng ililipat kay Mayor Benito L. Doma ng P.Diaz./ 

Samantala, sinabi naman ni MBR na ang pagsuway umano ni Joey Guban kay ramos ang siyang pangunahing dahilan sa pagtanggal ng suporta ni Ding kay Joey.//

KILOS PROTESTA LABAN SA PAGPUTOL NG PUNO SA BULAN HINDI PINANSIN NG DPWH

BULAN - Hindi manlang natinag ng mga bulanenyo ang walang habas at walang awang pagpuputol ng DPWH sa mga centennial Tree sa bayan ng Bulan kahapon ng umaga./ 


Matatandaan na ikinasa ng mga bulanenyo ang nasabing kilos protesta upang hadlangan ang pagpuputol sa mga natitira pang punong kahoy sa halos 3.5km na haba ng kalsada sa may pagitan ng brgy fabrica at pawa sa bulan na labis na ikina irita ng mga bulanenyo./ 

Sa panig naman ng administrasyon ni  Mayor MBR legal naman umano ito at may permiso kung kaya hindi nila ito nahadlangan kundi bagkus ipinaubaya na lamang umano niya ito sa DENR./ Subalit ayon sa mga environmental advocates kaya naman sana itong harangin kung ang buong bulanenyo ay magkaisa upang labanan ito./ 

Samantala hanggang sa ngayon hindi parin matunawan ang mga bulanenyo sa nasabing isyu at nakarating narin ito sa national TV.//

EX: COUNCILOR SA BAYAN NG JUBAN, SUMUKO NA SA KASONG RAPE

JUBAN - Isinuko na ni former Mayor Tess Guab-Fragata ng bayan ng Juban ang isa ring dating konsehal ng naturang bayan at dati ring Sangguniang Kabataan (SK) federation provincial president na si Rey Romeo Guab./ Matatandaan na inakusahan sa salang pangagahasa si Guab sa isang  16 year na kasambahay./ 

Dagdag pa sa impormasyon  matapos umano nitong pansamantalahan ang nasabing kasamabahay ay agad itong nagtago sa mga alagad ng batas./ Noong lunes, sa tulong ng dati ring mayor na si Fragata, sinamahan nito sa pagsuko sa mg otoridad si Rey Romeo Guab./ 

Samantala, inihahanda na ng otoridad ang kaso na isasampa laban sa nasabing suspetsado.//

PAGSASABING TOP RANK OFFICIALS NG NPA ANG NAPAPATAY NG MGA MILITAR ISA LANG UMANONG RAKET NG PHIL ARMY AYON SA CMC

SORSOGON - Isang pasabog sa ngayon ang pinalabas ng Rebeldeng New Peoples Army sa pamamagitan ng Celso Minguez Command o CMC na malaking raket lang daw umano ng mga militar ang pagsasabing matataas na opisyal ang kanilang napapatay kahit na hindi naman./ 

Sa isang artikulo ng Bicol Today.com isinalaysay dito na diumano ayon kay Ka Samuel Guerrero tagapagsalita ng CMC isa lang umano itong raket ng mga sundalo upang makuha ang milyon milyong reward money na nakapatong sa ulo ng mga top rank official  ng NPA./ 

Matatandaan na pinalabas ng Phil Army na isang top-ranking rebel ang kanilang napatay sa enkwentro ng mga sundalo sa bayan ng bulan noong nakaraang  April 27, na kinilalang si “Ka Cenon” na may patong sa ulo na nagkakahalagang 2.5M./ 

Subalit niliwanag ni “Ka Samuel Guerrero” na hindi naman si  “Ka Cenon”, ang napatay ng mga sundalo kundi si Rudy o  “Ka Uno” Gracilla na isa lamang ordinaryong myembro ng NPA./  dinagdag pa ni guerrero na ito umano ang kasalukuyang raket  ng mga military, ang sabihing matataas na opisyal ng NPA ang kanilang napapatay upang makuha lamang ang reward money./ 

Samantala, nito lamang nakaraang lingo ipinagwagwagan ng pamunuan ng Phil Army si “Ka Cenon” ang kanilang napatay at sinasabi pa nitong mismong ang mga opisyales ng barangay ang nagpapatunay na si Ka Cenon nga ito.//

BAYAN NG DONSOL, ITO NA ANG INAARING TIRAHAN NG MGA BUTANDING-NINI RAVANILLA

SORSOGON - Climate change umano ang naging dahilan noong mga nakaraang araw kung bakit halos nasa 50% ng mga butanding sa bayan ng donsol ang nagsialisan, subalit sa ngayon ay unti-unti na itong bumabalik./ 

Sa panayam ng wow radio kay Mam Nini Ravanilla, Tourism Regional Director ang bayan ng Donsol ay ang itinuturing ng tirahan ng mga butanding, kaya lang naman ito umaalis dahilan sa pagbabago ng klima, kung naiinitan anya ito ay humahanap ng malalalim na lugar na mapagsisilungan./ 

Kaugnay nito, ito ang isa sa ni ni-resolba sa katatapos pa lamang na Asean Summit na isinasagawa sa The Oriental Hotel sa lungsod ng Legaspi na dinaluhan ng 27 bansa ./ Sa report na pina abot ni Sir Doods Marianito, sinabi nito na kahit si PNOY ay naalarma narin sa patuloy na climate change./ 

Samantala ang climate change ay nararanasan sa buong mundo at ang epekto ng climate change sa turismo ay ramdam na hindi lang dto sa sorsogon kundi maging sa buong mundo.// 

PAMUMULITIKA SAGABAL SA PAG UNLAD- MAYOR LEE

SORSOGON CITY - Kalimutan ang pulitika, kung talagang gusto natin ng development, ito ang mga inspiring words na binitiwan ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee sa isinagawang inauguration and blessing ng bagong  reconstruct na  Alice Bridge sa sentro ng sorsogon./ 

Sa impormasyon na nakalap ng wow smile radio ang pagsasaayos ng nasabing tulay ay ginawa ng Dept of Public Works & highways o DPWH-Sorsogon sa tulong naman ng opisina ni Congresswoman Nanay Evie Escudero na may halagang  P11,964,755.40./ 

Kaugnay nito nagpahayag ng pasasalamat at labis na kasiyahan ang nasabing alkalde sa ginawang ito ng kongresista./ Ayon pa sa naging speech ni Lee kailangan umanong pahalagahan kung ano ang ibinigay sa atin, sinabi pa nito na kung kakalimutan ang pulitika ang mga taga sorsogon ang tiyak na makikinabang dito./

Samantala naging panauhin naman sa nasabing blessing & inauguration si Sorsogon Governor Raul R. Lee, Sorsogon City Mayor Sally Lee at Sorsogon First District Cong. Nanay Evie Escudero. At mga opisyal ng DPWH.// 

Monday, May 19, 2014

Hon. Sally A. Lee, Sorsogon City Mayor, and Sec. Lucille L. Sering of the Climate Change Commission

Hon. Sally A. Lee, Sorsogon City Mayor, and Sec. Lucille L. Sering of the Climate Change Commission.

During her talk in the plenary, Sec. Sering repeatedly mentioned and acknowledge Mayor Lee's contribution to the global information on theclimate change menace. The Secretary went further on saying that Mayor Lee was one of the pioneers in the Climate Change program more than a decade ago when the world doesn't really understand yet the said phenomena.


At The Oriental Hotel

The 26th Joint Meeting of the UNWTO Commission for East Asia and the Pacific and the UNWTO Commission for South Asia AND UNWTO-ASEAN INTERNATIONAL CONFERENCE ON TOURISM AND CLIMATE CHANGE.

HisExcellency Benigno S. Aquino graced said international affair held in Albay.


At the FPOP National Office


At the FPOP National Office.

National Directorate Conference of the Family Planning Organization of the Philippines.

It is always wonderful to be with the pioneers of the FPOP.

ASEAN Regional Director Nora Mural was the Guest of Honor during the Superb Dinner.

She congratulated FPOP as one in the frontline in the RH Law campaign which ended up in the Supreme Court decision posting the victory of said campaign.

Cong. Nanay Evie Escudero and Mayor Sally A. Lee during the Alice Bridge reopening after months of reconstruction

Cong. Nanay Evie Escudero and Mayor Sally A. Lee during the Alice Bridge reopening after months of reconstruction.

Escudero and Lee both lauded the contractor and the DPWH of the early completion of the project. They also claimed further that said project was realized as a result of setting aside politics.

They both assured their constituents to do more projects for the improvement and dev't of Sorsogon City.
 


Thursday, May 8, 2014



























May 8, 2014: SORSOGON CITY - Hulog na sa mga kamay ng otoridad ang prime suspek sa ngyaring attempted rape at murder sa isang dalaga na taga Sitio Mahingan, Brgy. Balogo, Sorsogon City na kinilalang si Cleto Hila Conda, alyas dayo, 19 yo na nakatira sa brgy. bitan o sorsogon city./  

Matatandaan na noong lunes mga dakong alas kwatro y medya ng umaga ng makarinig ng ungol ang isang mangingisda at agad naman itong humingi tulong sa isang brgy tanod ng Cambulaga na si Jon Jon Discaya, pag responde ni Discaya narinig niya itong humihingi ng tulong./ Para marespondehan ng tama humingi ito ng tulong sa brgy kagawad ng nasabing  baranggay na Si Gil Jarabelo./ 

Agad namang rumisponde si Kgwad Jarabelo, at nadatnan nila itong walang saplot sa maselang parte ng katawan./ bago pa man ito naisugod sa Fernado O. Duran Memorial Hospital upang malapatan ng pangunang lunas, nakunan pa ito ng panayam ni Jarabelo na kinilalang si  AILEEN JAPON SURBANO na kung saan una ng kumalat ang mali nitong pangalan na Evelyn Ubando at Evelyn Surbano./ Naging kontrobersyal pa ang nasabing isyu dahilan sa lumabas pa na “gang rape” pa umano ito./ Upang malaman ang buong storya sinubaybayan ng wow patrollers ang kwentong ito./ 

Ayon sa salaysay ng magulang ng biktima, si Aileen ay ang pinakamasayahin nilang anak at umuwi lamang ito dito sa sorsogon para magbakasyon dahilan sa nagtatrabaho ito sa maynila, at para narin pag usapan ang nalalapit na pamamanhikan ng boyfriend nito,  kaya noong magpaalam ito na makikipag bonding sa kanyang mga kaibigan ay pinayagan naman nila ito dahilan sa isang mabait at masunuring bata naman ang biktima./ 

Lingo ng gabi nagkaroon pa ng konting kasiyahan sa isang video oki bar sa may piot at pagkatapos tumungo na ang apat na magkakaibigan sa may sea wall ng bitan o, habang nag uusap usap ang mga magkakaibigan nakaramdam ng pag ihi ang biktima kaya lumayo ito ng kaunti, subalit may nakamasid na pala sa apat, at ng makakita ng tyempo sinundan nito si aileen at duon na nga ginawa ang kanyang maitim na balak, dahilan sa takot tumakas si aileen subalit hinabol ito ni conda na nag resulta sa pagtalon ng biktima sa seawall, hindi pa nasiyahan sinakal pa ito, binugbog at nilunod ni conda dahilan sa gusto nito itong halayin, sa pag aakalang patay na ito kaya agad na umalis ang suspek sa pinangyarihan./ 

Sa tulong ng Sorsogon City Police Station agad na natiklo ang nasabing salarin./ ngyari ang mabilis na pagkakatiklo sa nasabing suspek dahilan sa mabilis ding pag aksyon ng Sorsogon CPS sa pangunguna ni PSupt Aarne Villamor Oliquino , labis namang ikinatuwa ng local na pamahalaan ng sorsogon city at sorsogon province ang mabilisang pagkaka aresto kay conda./ 

Samantala, labis parin sa ngayon na naghihinagpis ang pamilya ng biktima dahilan sa maaga nitong pagpanaw./ Hustisya sa ngayon ang isinisigaw ng pamilya at humihingi din ng pinansyal na suporta sa mga taga sorsogon.//