SORSOGON - Tahasan na ngang inamin ni sorsogon 2nd
District Congressman Diogracias Ding Ramos na wala na siyang pakialam kay
Sorsogon 2nd District Board Member Renato “Joey” Guban./ Matatandaan
na matagal ng umuugong na di umanoy may hidwaang namamagitan kay bokal joey at
cong ramos./
Sa isang eksklusibong interview ng wow patrollers kay cong ramos
inamin nito na wala na nga silang pakialamanang dalawa./ kaugnay nito
nagpalabas na ng official statement ang nasabing congressman sa tuluyan na nga
niyang pag iwan sa nasabing bokal sa pamamagitan ng sulat na pinadala nya sa
opisina ni Bulan Mayor Marnelie B. Robles, nakasaad sa sulat na umpisa noong
nakaraang mayo 16, hindi na si joey guban ang kanyang magiging official
Representative sa local development council ng bulan kundi ito ay kanya ng
ililipat kay Mayor Benito L. Doma ng P.Diaz./
Samantala, sinabi naman ni MBR na
ang pagsuway umano ni Joey Guban kay ramos ang siyang pangunahing dahilan sa
pagtanggal ng suporta ni Ding kay Joey.//
No comments:
Post a Comment