BULAN - Hindi manlang natinag ng mga bulanenyo ang
walang habas at walang awang pagpuputol ng DPWH sa mga centennial Tree sa bayan
ng Bulan kahapon ng umaga./
Matatandaan na ikinasa ng mga bulanenyo ang
nasabing kilos protesta upang hadlangan ang pagpuputol sa mga natitira pang
punong kahoy sa halos 3.5km na haba ng kalsada sa may pagitan ng brgy fabrica
at pawa sa bulan na labis na ikina irita ng mga bulanenyo./
Sa panig naman ng
administrasyon ni Mayor MBR legal naman
umano ito at may permiso kung kaya hindi nila ito nahadlangan kundi bagkus
ipinaubaya na lamang umano niya ito sa DENR./ Subalit ayon sa mga environmental
advocates kaya naman sana itong harangin kung ang buong bulanenyo ay magkaisa upang
labanan ito./
Samantala hanggang sa ngayon hindi parin matunawan ang mga
bulanenyo sa nasabing isyu at nakarating narin ito sa national TV.//
No comments:
Post a Comment